29/10/2015
Message from a Klikmart Member:
Benj Tubilag
28 October at 13:03
To ALL LOYAL KLIKERS: Hindi na po kasalanan ng Klikmart ang ating mga personal na problema. Lahat po tayo ay may kanya kanyang problema, may nagugutom na pamilya, may kailangan pagaralin sa eskwelehan, at iba pa. Bakit po maraming tao ang hindi nakakaintindi ng salitang "negosyo"??? Negosyo ang pinasok natin. Hindi lang po ikaw, siya at ako ang may interests sa KLIKMART. Lahat po tayo. Uu, nakakasawa na ung salitang "stay positive klikers, klikmart to the top, at ano pang magagandang salita na naririnig natin at nababasa sa mga social media networks" hindi ito ay para lokohin, bolahin lahat ng members. Dahil dito po ay mas magandang pakinggan kaysa po sa sarado na ang Klikmart, may work order po tayo sa SEC delikado po yan at iba pang puro negatibo na hindi nakakatulong sa negosyo natin. Tayo lahat ay partners sa ating pinasukan, lahat tayo ay may pakinabang, may freedom of speech kung ano ung gusto natin sabihin. Ngunit sa mga ganyang pananalita, ay aaminin ko po sa inyo na itoy hindi lalong nakakatulong sa ating Management. Ang management po ay hindi nagtatago, ni sino man lahat andito pa rin sa Pilipinas upang gawan ng solusyon ng ating kumpanya. Uulitin ko, hindi po charity ang klikmart, hindi po sa lahat ng oras ng negosyo ay pataas. May mga oras na talagang mababa ang sales. Walang negosyong pataas lahat ng sales. Bakit po hindi po tayo gumawa ng paraan? Mag PLAN B tayo. Or PLAN C kaysa po maghintay ng buong buwan sa ating pending rewards. From 1st Rewards until 39th Rewards, walang palya ang pagbibigay ng rewards. sa 40th ongoing rewards, uu bumaba ang sales, may mga taong makasarili at nagtayo ng sariling kumpanya pagkatapos gatasan si Klikmart. Ikaw may ari ka ng negosyo, anong gagawin mo sa ganyang sitwasyon? Wag natin hintayin na magsara ng tuluyan ang ating negosyo dahil lahat tayo ay kawawa. Ako, member po ako ng KLIKMART, positibo po ako na ginagawa lahat ng ating management lahat para maging masaayos ang pagbibigay ng lahat ng CFF at pending rewards. Ang akin lang gumawa po tayo ng ibang paraan pagsamantala. Para hindi po magutom ang ating mga pamilya na sinasabi nila. Dahil hindi tayo papabayaan ng mga namumuno. Maraming salamat po sa mga nakakaintindi kung ano b talaga ang ibig sabihin ng negosyo.
Benj Tubilag