22/09/2026
Kapag nakakaranas ng sakit ng ulo, anxiety, stress, o matinding pag-aalala dahil sa pagkakapos ng pera, baka panahon na para sa isang dose ng… PERACETAMOL! 😅💊💸
Isang kapsula hanggang sa gumaan ang pakiramdam—at kapag ayaw pa ring mawala ang “sintomas,” sabi sa label, double the dose! 😂 Pero mas mabisa pa rin minsan ang tamang budget, konting pahinga, masarap na pagkain, at maraming tawanan.
PERACETAMOL — para sa mga bayaring nakakasakit ng ulo at sweldong parang laging kulang. 🇵🇭
⚠️ Paalala: Kathang-isip lamang ang PERACETAMOL at ang post na ito ay para lamang sa katatawanan at pampagaan ng loob sa gitna ng patuloy na pag-arangkada ng presyo ng langis, kuryente, at iba pang pangunahing bilihin.