KJV Bible.PH

KJV Bible.PH Thank you for visiting KJV Book Shop. Join us in exploring the richness of God's Word and finding inspiration in our diverse selection of Christian literature.

Together, let's learn, grow, and deepen our faith.

ANG MANWAL NG DIYOSAng Biblia ang tanging banal na aklat na galing mismo sa Diyos. Ito ay buhay, totoo, at mapagkakatiwa...
24/01/2026

ANG MANWAL NG DIYOS

Ang Biblia ang tanging banal na aklat na galing mismo sa Diyos. Ito ay buhay, totoo, at mapagkakatiwalaan. Kung paanong ang Diyos ay banal at walang mali, ganon din ang Kanyang Salita.
๐Ÿ“– 2 Timothy 3:16โ€“17

Lahat ng tradisyon, kultura, at opinyon ng tao na sumasalungat sa Biblia ay dapat nating iwanan. Kung gusto nating matanggap ang mga pangako ng Diyos, kailangan nating sampalatayanang totoo ang Kanyang Salita. Ang pakinabang ng Biblia ay hindi lang dito sa mundo, kundi hanggang sa buhay na walang hanggan.
๐Ÿ“– Colossians 2:6โ€“8

Pagdating ng araw ng paghuhukom, ang Salita ng Diyos ang magiging basehan sa paghatol sa bawat tao.
๐Ÿ“– Hebrews 9:27; John 12:48; Revelation 20:12,15

Dahil ang Biblia ang MANWAL ng Diyos, ito lang ang pakikinggan at susundin natin bilang gabay ng ating pananampalataya at pamumuhay. Ang mga nakasulat dito ay hindi gawa-gawa ng tao. Ginamit ng Diyos ang Kanyang mga lingkod noon upang maisulat ito. Kaya ang Diyos mismo ang tunay na may-akda ng Biblia, at ito ay walang pagkakamali.
๐Ÿ“– 2 Peter 1:20โ€“21

Inutusan din tayo ng Diyos na itakwil ang sinumang mangangaral na taliwas sa itinuturo ng Biblia.
๐Ÿ“– Galatians 1:8โ€“9

ANG TATLONG BAHAGI NG TAO
Ang tao ay nilikha ng Diyos na may tatlong bahagi.

1. ESPIRITU
Ito ang bahagi ng tao na nakakaunawa sa Diyos at sa mga bagay na walang hanggan. Dito nanggagaling ang kakayahan ng tao na maniwala, makipag-ugnayan, at sumamba sa Diyos.
๐Ÿ“– 1 Thessalonians 5:23

2. KALULUWA
Ito ang bahagi ng tao na nagdedesisyon. Ang kaluluwa ang pumipili kung susundin ba ang gusto ng espiritu o ang hilig ng katawan. Ito rin ang bahagi ng tao na mananagot sa Diyos sa araw ng paghuhukom.
๐Ÿ“– 1 Thessalonians 5:23

3. KATAWAN
Ito ang pisikal na bahagi ng tao na nakakaramdam at nakikita ang mundo. Ito ang ginagamit natin sa pang-araw-araw na gawain dito sa lupa.
๐Ÿ“– 1 Thessalonians 5:23

๐Ÿ‘‰ Dahil ang tao ay nilikha sa larawan at wangis ng Diyos (Genesis 1:26), kung paanong ang Diyos ay iisa pero may tatlong persona, gayundin ang tao ay iisa pero may tatlong bahagi.
๐Ÿ“– 1 John 5:7; Genesis 2:7

PAANO PUMASOK ANG KASALANAN SA MUNDO

Isa sa pinakamagandang regalo ng Diyos sa tao ay ang free will o kalayaang pumili. Hindi Niya gustong maglingkod tayo sa Kanya dahil napilitan, kundi dahil kusang-loob.

Pero pinili ng unang tao ang sumuway sa Diyos,
at ang pagsuway na iyon ay tinawag na KASALANAN.
๐Ÿ“– Genesis 2:16โ€“17; Romans 5:12

Mula noon, pumasok ang kasalanan sa buong mundo, at lahat ng tao ay naapektuhan nito.

KALAGAYAN NG TAO DAHIL SA KASALANAN

Ang tao ay isinilang na may dalawang uri ng kasalanan:

1. โ€œSIN BY NATUREโ€ (Likas na Kasalanan)
Ito ang kasalanang minana natin kay Adan. Ibig sabihin, makasalanan na tayo mula pa sa kapanganakan. Lahat ng tao ay may ganitong kasalanan, maliban kay Jesus Christ.
๐Ÿ“– Psalms 51:5; Romans 7:15

2. โ€œSIN BY CHOICEโ€ (Kasalanang Pinipili)
Ito ang mga kasalanang ginagawa natin araw-arawโ€”alam nating mali pero ginagawa pa rin.
๐Ÿ“– Romans 1:29โ€“31; James 4:17

ANG KABAYARAN NG KASALANAN

May dalawang kamatayan ang kabayaran ng kasalanan:
1. Pisikal na kamatayan โ€“ hihiwalay ang kaluluwa at espiritu sa katawan
2. Espiritwal na kamatayan โ€“ walang hanggang kaparusahan sa lawa ng apoy
๐Ÿ“– Romans 6:23

ANG KAHIHINATNAN NG TAONG HINDI LIGTAS

Kapag namatay ang taong hindi ligtas, ganito ang mangyayari sa tatlong bahagi niya:

1. ESPIRITU
Babalik sa Diyos na nagbigay nito.
๐Ÿ“– Ecclesiastes 12:7
2. KALULUWA
Mapupunta sa walang hanggang kaparusahan sa lawa ng apoy.
๐Ÿ“– Revelation 21:8; 14:9โ€“11
3. KATAWAN
Babalik sa lupa at magiging alabok muli.
๐Ÿ“– Genesis 3:19

ANG TANGING PAG-ASA NG TAO

Ang Diyos lamang ang tanging pag-asa ng bawat makasalanan. Para hindi mapunta sa lawa ng apoy, kailangang ang tao ay maipanganak muli sa pamilya ng Diyos habang siya ay buhay pa.
๐Ÿ“– John 3:3

ANG PAGHALILI NG PANGINOONG
JESUS CRISTO

Mahal na mahal ng Diyos ang tao. Ayaw Niyang may mapahamak o mapunta sa lawa ng apoy ang kahit sino.

Gusto Niya na maligtas ang lahat.
๐Ÿ“– Ezekiel 33:11; 2 Peter 3:9

SINO SI JESUS BAGO SIYA NAGING TAO

Bago isinilang si Jesus sa mundo, ang pangalan Niya ay SALITA (WORD).
๐Ÿ‘‰ Siya ay Diyos mismo.
๐Ÿ‘‰ Siya ay Espiritu, wala pang katawan noon.
๐Ÿ“– John 1:1โ€“3, 14; John 4:24; 1 John 5:7 (KJV)

Pero dahil kailangan may mamatay para sa kasalanan ng tao, kinailangan ni Jesus na:
โ€ข isilang bilang tao
โ€ข magkaroon ng katawan
โ€ข mamatay bilang kahalili natin

Ginawa Niya ito para ang mga taong namamatay ay mabuhay magpakailanman sa Diyos.
๐Ÿ“– Hebrews 2:14โ€“15

SI JESUS ANG HUMALILI SA TAO

Si Jesus ang gumawa ng lahat ng dapat sana ay gawin ng tao para maligtas, at Siya rin ang tumanggap ng parusang para sana sa atin.

1. ISINILANG SIYA NA WALANG KASALANAN

Lahat ng tao ay ipinapanganak na makasalanan.
Pero si Jesus ay isinilang na walang kasalanan.
๐Ÿ‘‰ Kung tayo ay ipinanganak na SINNER,
๐Ÿ‘‰ si Jesus ay ipinanganak na SAVIOR.
๐Ÿ“– Luke 2:11

2. TINUPAD NIYA ANG KAUTUSAN

Ang tao ay nabigo sa pagsunod sa kautusan ng Diyos.

Pero si Jesus ay:
โ€ข ganap na sumunod
โ€ข tinupad ang lahat ng kautusan
โ€ข tinapos ang gawa ng kaligtasan
๐Ÿ“– Matthew 5:17โ€“18; John 19:30; Romans 10:4

3. BINAYARAN NIYA ANG LAHAT NG KASALANAN

Ang kabayaran ng kasalanan ay KAMATAYAN.
Si Jesus ang nagbayad para sa atin.
๐Ÿ“– Romans 6:23; Romans 5:8

a. ANG KANYANG DUGO
Ang dugo ni Jesus ang sapat at ganap na bayad sa kasalanan ng lahat ng taoโ€”noon, ngayon, at magpakailanman.
๐Ÿ“– Hebrews 9:22; Acts 20:28

b. ANG KANYANG ESPIRITU
Nang Siya ay mamatay, ang Kanyang espiritu ay bumalik sa Diyos Ama.
๐Ÿ“– John 19:30

c. ANG KANYANG KATAWAN
Ang Kanyang katawan ang:
โ€ข tumanggap ng lahat ng kasalanan ng tao
โ€ข kaya Siya ay namatay sa krus

Ang Diyos ay hindi namamatay, pero dahil si Jesus ay naging tao, naranasan Niya ang kamatayan para sa atin.
๐Ÿ“– Romans 6:23; 1 Peter 2:24

d. ANG KANYANG KALULUWA
Ang Kanyang kaluluwa ay bumaba sa ilalim ng lupa na tinatawag na:
โ€ข heart of the earth
โ€ข lower parts of the earth

Doon inilagak ang kasalanan ng lahat ng tao.
Si Jesus ang naging sin offeringโ€”ang tunay na kahulugan ng mga handog sa Lumang Tipan.
๐Ÿ“– Ephesians 4:9; Matthew 12:40; Acts 2:27,31; Luke 23:43

Doon Niya iniwan at inalis ang kasalanan ng mundo.
๐Ÿ“– Micah 7:19; Hebrews 1:3
๐Ÿ‘‰ Nag-hirap Siya bilang KAHALILI natin.

ANG KABUOANG GAWA NI JESUS

โœ” NAMATAY โ€“ para sa ating kasalanan
โœ” INILIBING โ€“ dala ang kasalanan
โœ” MULING NABUHAY โ€“ bilang tagumpay laban sa kamatayan
๐Ÿ“– Isaiah 53; Acts 2; Hebrews 13

4. MULING NABUHAY AT TINAPOS ANG KATUBUSAN

Pagkaraan ng 3 araw at 3 gabi:
โ€ข si Jesus ay bumangon mula sa mga patay
โ€ข umakyat sa langit
โ€ข at tinapos ang walang hanggang katubusan
๐Ÿ‘‰ Lahat ay BAYAD na.
๐Ÿ‘‰ Wala nang kulang.

Ang sinumang mananampalataya kay Cristo ay may tiyak na lugar sa langit.
๐Ÿ“– 1 Corinthians 15:1โ€“4; John 11:25โ€“26; Hebrews 9:12

ANO ANG DAPAT NA TUGON NG TAO PARA MALIGTAS

Hindi kumplikado ang kaligtasan. May dalawang mahalagang bagay lang na kailangang payagan ng tao upang mapasakanya ang bisa ng katubusan.

1. PAGSISIHAN o TALIKURAN ANG MALING PAG-ASA

Ang unang dapat tugon ng tao ay iwanan ang maling tiwala para maligtas.

๐Ÿ‘‰ Talikuran ang pag-asang nasasalig sa:
โ€ข relihiyon
โ€ข mabubuting gawa
โ€ข pagsunod sa kautusan
โ€ข pagiging โ€œmabaitโ€ o โ€œreligiousโ€
Hindi kayang iligtas ng mga ito ang tao.
๐Ÿ“– Ephesians 2:8โ€“9
โ€œFor by grace are ye saved through faithโ€ฆ not of works.โ€

Ibig sabihin, hindi REWARD o gantimpala sa gawa ng tao ang kaligtasan. Ito ay REGALO ng Diyos.

Kailangan ding tanggapin ng tao na:
โ€ข hindi niya kayang iligtas ang kanyang sarili
โ€ข si Cristo lamang ang sagot
๐Ÿ“– Acts 13:38โ€“39; Galatians 2:16; Romans 3:26โ€“28
๐Ÿ‘‰ Ito ang tunay na PAGSISISI:
pagbabago ng isipโ€”mula sa pagtitiwala sa sarili, patungo sa pagtitiwala kay Cristo.

2. SAMPALATAYANAN SI JESUS CRISTO

Ang ikalawang dapat tugon ay manampalataya.
๐Ÿ‘‰ Maniwala na:
โ€ข si Jesus ang Anak ng Diyos na nagkatawang-tao
โ€ข Siya ay namatay para sa ating kasalanan
โ€ข Siya ay inilibing
โ€ข Siya ay muling nabuhay
โ€ข sapat na ang Kanyang ginawa
๐Ÿ“– 1 Corinthians 15:1โ€“4

Hindi na kailangang dagdagan ang ginawa ni Jesus. Kumpleto na ang bayad.
๐Ÿ“– John 6:37
โ€œHim that cometh to me I will in no wise cast out.โ€
Ibig sabihin:
โ€ข ang sinumang lumalapit kay Jesus
โ€ข tinatanggap Niya
โ€ข hindi Niya itinataboy

ANO ANG RESULTA NG PANANAMPALATAYA

Kapag ang tao ay sumampalataya kay Cristo:
โœ” Siya ay tinatanggap ng Diyos
โœ” Siya ay napapatawad sa lahat ng kasalanan
โœ” Siya ay may reserbasyon na sa langit
โœ” Siya ay ligtas na magpakailanman
โœ” Siya ay may katiyakan ng buhay na walang hanggan
๐Ÿ“– 1 Peter 1:3โ€“5; 1 John 5:10โ€“13; Ephesians 1:13
โœ” Pagsisisi โ€“ talikuran ang maling pag-asa
โœ” Pananampalataya โ€“ magtiwala kay Jesus lamang
๐Ÿ’™ Manampalataya, at ikaw ay maliligtas.

MGA NAGAGANAP SA ORAS NA TAYO AY SUMAMPALATAYA

Sa mismong oras na ang isang tao ay magtiwala at sumampalataya kay Jesus, may mga bagay na agad na nangyayari sa kanyang buong pagkatao.

1. IPINAKO KASAMA NI CRISTO
Ibig sabihin, ang dating tayo ay kasamang namatay ni Cristo sa krus.
๐Ÿ“– Galatians 2:20

2. NAMATAY KASAMA NI CRISTO
Ang dating makasalanang pagkatao ay itinuring na patay na.
๐Ÿ“– Romans 6:8

3. INILIBING KASAMA NI CRISTO
Ang dating buhay na alipin ng kasalanan ay iniwan na.
๐Ÿ“– Romans 6:4

4. BUMANGON KASAMA NI CRISTO
Tayo ay binigyan ng bagong buhay sa Diyos.
๐Ÿ“– Colossians 3:1

5. ITINAAS KASAMA NI CRISTO
Sa mata ng Diyos, tayo ay inaangat na kasama ni Cristo.
๐Ÿ“– Ephesians 2:6a

6. UMUPO KASAMA NI CRISTO
Mayroon na tayong espiritwal na posisyon at awtoridad kay Cristo.
๐Ÿ“– Ephesians 2:6b

7. MAHAHAYAG KASAMA NI CRISTO
Sa Kanyang pagbabalik, makikita rin ang ating bagong buhay.
๐Ÿ“– Colossians 3:4

KALIGTASANG HINDI NAWAWALA

Ang kaligtasan ng tunay na mananampalataya ay hindi na mawawala.

1. HINDI NA UMAALIS ANG BANAL NA ESPIRITU
Kapag ang isang tao ay naligtas:
โ€ข ang Banal na Espiritu ay nananahan na sa kanya
โ€ข Siya ay tinatatakan ng Diyos
โ€ข hindi na Siya aalis
๐Ÿ“– John 14:16โ€“17; Ephesians 1:13; 4:30
Ibig sabihin, sigurado ang kaligtasan.

2. MAY NAGANAP NA ESPIRITUWAL NA PAGTUTULI
Ang puso ng mananampalataya ay binago na ng Diyos.
Ang kasalanan ay wala nang kapangyarihang maghari sa kaluluwa.
๐Ÿ“– Colossians 2:10โ€“11; 1 John 3:8โ€“9
๐Ÿ‘‰ Kung paanong hindi na muling mamamatay si Cristo, gayundin ang kaluluwa ng taong ligtas ay hindi na babalik sa dating kalagayan.
Sa mata ng Diyos, ang mga mananampalataya ay tinatawag na
๐Ÿ‘‰ BANAL o SANTO.
๐Ÿ“– Ephesians 1:1; 4:11โ€“12

TUNGKULIN NG MGA LIGTAS

Ang kaligtasan ay libre, pero may tungkulin ang mga naligtas.

1. TAYO AY GINAWANG MGA KATIWALA
Ibig sabihin:
โ€ข tayo ay may buhay na may direksyon
โ€ข tayo ay tinawag na maglingkod sa Diyos
โ€ข tayo ay mamuhay na nagbibigay-luwalhati sa Kanya
๐Ÿ“– Revelation 1:5โ€“6; Romans 5:17; 1 Peter 2:9

2. TINAWAG TAYONG MAMUHAY NA BANAL
Hindi para maligtas, kundi dahil tayo ay ligtas na.
๐Ÿ‘‰ Mamuhay na kalugod-lugod sa Diyos
๐Ÿ‘‰ Ialay ang buhay sa Kanyang paglilingkod
๐Ÿ“– Ephesians 1:4; Romans 12:1โ€“2; Titus 2:11โ€“14

3. MAHALAGA ANG LOKAL NA IGLESIA
Ang lokal na iglesia ang:
โ€ข lugar ng paglago
โ€ข lugar ng paglilingkod
โ€ข lugar ng pagsunod sa Diyos

Ang isang taong nagsasabing siya ay ligtas pero ayaw makibahagi sa lokal na iglesia, ay hindi sumusunod sa kalooban ng Diyos.
๐Ÿ“– Ephesians 4:11โ€“14; Hebrews 10:25; 13:17
๐Ÿ’™ Hindi lang tayo naligtas โ€” tayo ay tinawag para mabuhay para kay Cristo.

PAG-ANIB SA IGLESIANG LOKAL

Ang pag-anib sa iglesiang lokal ay kusang-loob na desisyon ng isang taong ligtas na, bilang tanda ng pakikiisa, pagsunod, at paglilingkod sa Diyos.

MGA HAKBANG SA PAG-ANIB SA IGLESIA

1. PAGSANG-AYON SA MGA DOKTRINA NG IGLESIA
Ibig sabihin, tinatanggap mo at pinaniniwalaan ang mga aral na itinuturo ng iglesiang lokal.
๐Ÿ“– Romans 16:17; 1 Timothy 1:3

2. PAGPAPATOTOO NG PERSONAL NA KALIGTASAN
Ang bagong kaanib ay nagbibigay ng patotoo ng kanyang kaligtasan, maaaring pasalita o nakasulat, sa harap ng kongregasyon.
๐Ÿ“– 2 Corinthians 4:13

3. PAGTANGGAP NG SIMBAHAN
Ang iglesiang lokal ay nagsusuri at tumitiyak na ang patotoo ay tunay, ayon sa prinsipyo ng โ€œtwo or three witnesses.โ€
๐Ÿ“– Matthew 18:15โ€“20; 2 Corinthians 13:1; 1 Timothy 5:19

4. BAWTISMO SA TUBIG
Ang bawtismo sa tubig ay:
โ€ข para sa mga bagong ligtas
โ€ข at sa mga galing sa ibang denominasyon
Ito ay patunay ng lubos na pagpapasakop sa simbahang lokal.
๐Ÿ“– 1 Corinthians 1:14โ€“17

5. MAKA-DIYOS NA PAMUMUHAY
Ang kaanib ay inaasahang:
โ€ข iwasan ang hayagang kasalanan
โ€ข mamuhay na kalugod-lugod sa Diyos
Hindi para maligtas, kundi dahil siya ay ligtas na.
๐Ÿ“– Titus 2:11โ€“14; 1 Corinthians 5:11โ€“13

6. PAKIKIBAHAGI AT PAGSUPORTA SA SIMBAHAN
Ang miyembro ay:
โ€ข nakikilahok sa mga gawain
โ€ข sumusuporta sa ministeryo
โ€ข nagpapasakop sa mga alituntunin ng simbahan
๐Ÿ“– 1 Corinthians 12:25โ€“26

KAHULUGAN NG BAWTISMO

Ang salitang bawtismo ay nangangahulugang:
๐Ÿ‘‰ pagpasok
๐Ÿ‘‰ pagpapasailalim
๐Ÿ‘‰ pakikiisa
๐Ÿ“– Romans 6:3; 1 Corinthians 10:2; 12:13; Galatians 3:27

DALAWANG URI NG BAWTISMO

1. BAWTISMONG ESPIRITUWAL
โœ” May kinalaman sa ugnayan ng tao sa Diyos
โœ” Nangyayari sa oras ng kaligtasan
โœ” Pagpasok sa Katawan ni Cristo
๐Ÿ“– 1 Corinthians 12:13; Ephesians 4:5; Romans 6:3; Galatians 3:27
๐Ÿ‘‰ Ito ang bawtismong nagliligtas ng kaluluwa.

2. BAWTISMO SA TUBIG
โœ” May kinalaman sa ugnayan ng tao sa iglesiang lokal
โœ” Isang hayag na patotoo sa harap ng tao
โœ” Pagpasok sa pisikal na samahan ng mga mananampalataya
๐Ÿ“– 2 Corinthians 6:14โ€“18; Acts 2:40โ€“41, 47
๐Ÿ‘‰ Hindi ito para maligtas, kundi patunay na ikaw ay ligtas na.

ANO ANG IBIG SABIHIN NG
BAWTISMO SA TUBIG?

Ang bawtismo sa tubig ay:
โœ” Patotoo na ikaw ay humiwalay na sa mundo
โœ” Pahayag na tapos na ang dating pakikiisa sa kanila
โœ” Simula ng panibagong buhay kay Cristo
Noon, iniisip ng mundo na ikaw ay kasama pa nila. Pero sa oras ng bawtismo, malinaw na ikaw ay kay Cristo na.
๐Ÿ‘‰ Ikaw ay:
โ€ข namatay na kasama ni Cristo
โ€ข inilibing kasama ni Cristo
โ€ข bumangon upang lumakad sa bagong buhay
๐Ÿ“– Romans 6:4

BUOD
โœ” Ligtas na
โœ” Nakipag-isa sa simbahan
โœ” Nabawtismuhan
โœ” Namumuhay para kay Cristo

๐Ÿ’™ Ang bawtismo ay hindi simula ng kaligtasan,
kundi patotoo ng bagong buhay.

__________________________

Magakoroon po kayo ng sariling kopya. Maganda po ito para sa new coverts na candidates sa water baptism. Magagamit sa small group Bible Study.

Please check out your desire Bible now!
20/01/2026

Please check out your desire Bible now!

Thank you for visiting KJV Book Shop. Join us in exploring the richness of God's Word and finding inspiration in our diverse selection of Christian literature. Together, let's learn, grow, and deepen our faith. Visit our FB page: https://www.facebook.com/KJVBookShopPh Check out KJV BOOK SHOP deals a...

โœจBest-Seller Restocked!โœจOur KJV Large Print Leather-Bonded Bible is finally back in stock! ๐ŸŽ‰โœ… Large, easy-to-read printโœ…...
21/10/2025

โœจBest-Seller Restocked!โœจ

Our KJV Large Print Leather-Bonded Bible is finally back in stock! ๐ŸŽ‰

โœ… Large, easy-to-read print
โœ… Leather-bonded cover
โœ… Compact & perfect for daily reading
โœ… On-the-go KJV Bible
โœ… Small/fit to small bag
โœ… Still only โ‚ฑ500!

Don't miss outโ€”grab yours now before it sells out again! ๐Ÿ“–โœจ

Order directly to our shop for faster transaction.
We ship daily!

Shopee: https://s.shopee.ph/6Kq1DGw9kI

Thank you and God Bless! ๐Ÿฅฐ

๐™†๐™…๐™‘ ๐™๐™๐™ž๐™ฃ๐™ก๐™ž๐™ฃ๐™š ๐™๐™š๐™›๐™š๐™ง๐™š๐™ฃ๐™˜๐™š ๐˜ฝ๐™ž๐™—๐™ก๐™š - โ‚ฑ759This beautifully crafted Bible is designed for both daily use and special occasions. ...
21/10/2025

๐™†๐™…๐™‘ ๐™๐™๐™ž๐™ฃ๐™ก๐™ž๐™ฃ๐™š ๐™๐™š๐™›๐™š๐™ง๐™š๐™ฃ๐™˜๐™š ๐˜ฝ๐™ž๐™—๐™ก๐™š - โ‚ฑ759

This beautifully crafted Bible is designed for both daily use and special occasions. With its sleek, thin profile, ๐™ž๐™ฉโ€™๐™จ ๐™ฅ๐™š๐™ง๐™›๐™š๐™˜๐™ฉ ๐™›๐™ค๐™ง ๐™˜๐™–๐™ง๐™ง๐™ฎ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ฌ๐™๐™š๐™ง๐™š๐™ซ๐™š๐™ง ๐™ก๐™ž๐™›๐™š ๐™ฉ๐™–๐™ ๐™š๐™จ ๐™ฎ๐™ค๐™ช, and its rich Burgundy cover adds a touch of sophistication.

Imagine holding a Bible that not only enhances your spiritual journey but also makes a statement. With features like cross-references, a concordance, and maps, you'll have all the tools you need at your fingertips. Plus, enjoy the premium feel and durability that will last for years to come.

๐˜ฟ๐™ค๐™ฃโ€™๐™ฉ ๐™ข๐™ž๐™จ๐™จ ๐™ค๐™ช๐™ฉ ๐™ค๐™ฃ ๐™ฉ๐™๐™ž๐™จ ๐™ค๐™ฅ๐™ฅ๐™ค๐™ง๐™ฉ๐™ช๐™ฃ๐™ž๐™ฉ๐™ฎ! Get the KJV Thineline Reference Bible for just โ‚ฑ759 with ๐™ฅ๐™–๐™ฎ๐™ข๐™š๐™ฃ๐™ฉ ๐™›๐™ž๐™ง๐™จ๐™ฉ or โ‚ฑ799 with ๐™˜๐™–๐™จ๐™ ๐™ค๐™ฃ ๐™™๐™š๐™ก๐™ž๐™ซ๐™š๐™ง๐™ฎ. ๐™Ž๐™–๐™ซ๐™š โ‚ฑ40 when you choose payment first. Order now and elevate your reading experience today!

๐™ˆ๐™š๐™จ๐™จ๐™–๐™œ๐™š ๐™ช๐™จ ๐™›๐™ค๐™ง ๐™ฅ๐™–๐™ฎ๐™ข๐™š๐™ฃ๐™ฉ ๐™›๐™ž๐™ง๐™จ๐™ฉ ๐™™๐™ž๐™จ๐™˜๐™ค๐™ช๐™ฃ๐™ฉ

๐™๐™ค๐™ง ๐™˜๐™–๐™จ๐™ ๐™ค๐™ฃ ๐™™๐™š๐™ก๐™ž๐™ซ๐™š๐™ง๐™ฎ ๐™˜๐™ก๐™ž๐™˜๐™  ๐™ฉ๐™๐™š ๐™ก๐™ž๐™ฃ๐™  ๐™—๐™š๐™ก๐™ค๐™ฌ ๐™›๐™ค๐™ง ๐™›๐™–๐™จ๐™ฉ๐™š๐™ง ๐™ฉ๐™ง๐™–๐™ฃ๐™จ๐™–๐™˜๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ.

๐™Ž๐™๐™ค๐™ฅ๐™š๐™š ๐™ก๐™ž๐™ฃ๐™ : https://s.shopee.ph/700Ea7xpdk

๐™๐™๐™–๐™ฃ๐™  ๐™ฎ๐™ค๐™ช ๐™–๐™ฃ๐™™ ๐™‚๐™ค๐™™ ๐™—๐™ก๐™š๐™จ๐™จ!

23/02/2025

It's been a while ๐Ÿฅฐ - Wide ranges of KJV Bibles and Books will be posted soon!๐Ÿ˜

๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐—˜โ€ผ๏ธ SALEโ€ผ๏ธ ๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐—˜ โ€ผ๏ธ๐—จ๐—ฝ ๐˜๐—ผ ๐Ÿฎ๐Ÿฑ๐Ÿฌ ๐—ฝ๐—ฒ๐˜€๐—ผ๐˜€ DISCOUNTโ€ผ๏ธ๐Ÿ“—KJV THOMPSON CHAIN REFERENCE ๐—•๐—œ๐—•๐—Ÿ๐—˜๐Ÿ”–๐—ฆ๐—ผ๐—ณ๐˜๐—ฐ๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ -  1ฬถ,4ฬถ9ฬถ9 ๐Ÿญ,๐Ÿญ๐Ÿต๐Ÿต๐Ÿ”–๐—›๐—ฎ๐—ฟ๐—ฑ๐—ฐ๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ...
09/12/2024

๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐—˜โ€ผ๏ธ SALEโ€ผ๏ธ ๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐—˜ โ€ผ๏ธ
๐—จ๐—ฝ ๐˜๐—ผ ๐Ÿฎ๐Ÿฑ๐Ÿฌ ๐—ฝ๐—ฒ๐˜€๐—ผ๐˜€ DISCOUNTโ€ผ๏ธ

๐Ÿ“—KJV THOMPSON CHAIN REFERENCE ๐—•๐—œ๐—•๐—Ÿ๐—˜

๐Ÿ”–๐—ฆ๐—ผ๐—ณ๐˜๐—ฐ๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ - 1ฬถ,4ฬถ9ฬถ9 ๐Ÿญ,๐Ÿญ๐Ÿต๐Ÿต
๐Ÿ”–๐—›๐—ฎ๐—ฟ๐—ฑ๐—ฐ๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ - 1,ฬถฬถ6ฬถ9ฬถ9 ๐Ÿญ,๐Ÿฐ๐Ÿฐ๐Ÿต
๐Ÿ”–๐—Ÿ๐—ฒ๐—ฎ๐˜๐—ต๐—ฒ๐—ฟ ๐—•๐—ผ๐—ป๐—ฑ๐—ฒ๐—ฑ - 2,ฬถ4ฬถ9ฬถ9 ๐Ÿฎ,๐Ÿญ๐Ÿต๐Ÿต

๐—ข๐—ฟ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ ๐—ก๐—ผ๐˜„!
๐—ฆ๐—ต๐—ผ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฒ ๐—Ÿ๐—ถ๐—ป๐—ธ: ๐—ต๐˜๐˜๐—ฝ๐˜€://๐˜€.๐˜€๐—ต๐—ผ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฒ.๐—ฝ๐—ต/๐Ÿฒ๐—ฉ๐Ÿณ๐—›๐— ๐—ต๐—ซ๐—๐—ฟ๐˜‚

For years the unique Thompson Chain-Reference system has been a favorite study tool, and for good reason. Easy to learn and use, the Thompson Chain-Reference system contains over 100,000 topical references in over 8,000 chain topics, helping to make in-depth topical study and lesson preparation easier and more efficient. The Thompson Chain is also known for its excellent archaeological supplement and extensive collection of charts, diagrams, and other illustrations.

Features
โœ”๏ธWords of Christ in Red
โœ”๏ธPrinted on high quality Bible paper
โœ”๏ธSmyth sewn pages for strength and durability
โœ”๏ธRibbon marker
โœ”๏ธ9.50" X 6.75" X 1.75"
โœ”๏ธFont size: 8-point
โœ”๏ธThompson Comprehensive Helps Section
โœ”๏ธAlphabetical Topical Index
โœ”๏ธNumerical Topical Index
โœ”๏ธOutline Studies of the Bible
โœ”๏ธHistorical Bridge between Old and New โœ”๏ธTestaments
โœ”๏ธOrigin and Growth of the English Bible
โœ”๏ธCondensed Bible Book Outlines
โœ”๏ธDetailed Bible Book Outlines
โœ”๏ธCharacter Studies
โœ”๏ธOutline History of the Apostles
โœ”๏ธPortraits of Christ
โœ”๏ธProphecies concerning Christ and their fulfillment
โœ”๏ธJourney Maps
โœ”๏ธHarmony of the Gospels
โœ”๏ธThe Seven Churches of Asia
โœ”๏ธGolden Chapters of the Bible
โœ”๏ธTopical Treasury / Helps for Christian Workers
โœ”๏ธKey memory verses from each Bible Book
โœ”๏ธDifferences in Religious places mentioned in the Bible
โœ”๏ธArchaeological Supplement
โœ”๏ธHebrew Calendar
โœ”๏ธConcordance
โœ”๏ธ14 Full-color maps

๐—ง๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ธ ๐˜†๐—ผ๐˜‚ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—š๐—ผ๐—ฑ ๐—ฏ๐—น๐—ฒ๐˜€๐˜€!

Thank you Lord for blessing our dear customers with your Holy Bible. โคIndeed, a blessing. Click the link below to order ...
26/11/2024

Thank you Lord for blessing our dear customers with your Holy Bible. โค

Indeed, a blessing.

Click the link below to order brand new KJV Bibles and Books.

Shopee Link: shopee.ph/kjvbookshop

We deliver daily.

Thank you and God Bless!

Salamat po sa patuloy na pag order ng aming KJV Bibles and Books. โคWe appreciate each one of you for supporting our smal...
02/11/2024

Salamat po sa patuloy na pag order ng aming KJV Bibles and Books. โค

We appreciate each one of you for supporting our small business. Thank you Lord! โค

For Orders, kindly click the link below for fastest transaction.

Shopee Link: shopee.ph/kjvbookshop

โœ… We ship daily!
โœ… International and Nationwide. โค
โœ… Our partner courier are J&T and SPX.
โœ… We offer Cash on Delivery
โœ… 5% Discount for Payment First, just message us directly.

Thank you โค

Address

Guimba

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639928539337

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when KJV Bible.PH posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to KJV Bible.PH:

Share

Category