10/10/2026
Ms. Elisa, we design our products from scratch and with intention po kaya pasensya na kung mahal po namin ito ibinebenta.
Lahat po ng products namin ay dumadaan sa proseso ng matinding pagsuri kung paano namin padadaliin ang buhay ng bawat customers na bumibili sa amin.
Paulit-ulit na trial-and-error ang pinagdadaanan namin bago namin ito ilabas sa merkado. Sinisuguro rin po namin na kakayanin ng presyo namin na magrefund o umulit ng gawa kung sakaling magkaproblema ito. Wala na po kaming kikitain kung sakaling magkamali ng pagbutas or masira ang produkto bago ito ipadala sa customer.
Kung para sa inyo, halagang Php 150 lang ang halaga ng pagod at creativity ng isang tao, sa amin po hindi.
Hindi lang po kami basta seller. Designers po kami. At ang pagdisensyo ng mga bagay ay may kaakibat na malasakit sa mga gagamit nito.
Sana natulungan po namin kayong maintindihan kung bakit ganito po ang presyo ng mga produkto namin.
Maraming salamat po 🤍
Sa mga gusto pong umorder, kindly click the link for price rates, delivery and order guide 🥰: https://palagistore.my.canva.site/palagi-store-collection