07/07/2026
Kapon your pets na ๐๐๐
๐๐ข๐๐ซ๐๐ง๐ ๐ค๐๐ฉ๐จ๐ง ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ฌ๐จโ๐ญ ๐ฉ๐ฎ๐ฌ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ฆ๐ฎ๐ฌ
Ang Pamahalaang Lungsod ng Imus, sa pangunguna ng Office of the City Veterinarian, katuwang ang Small Animal Practitioner Association of the Philippines Inc. at City Veterinary Office ng Lungsod ng San Jose Del Monte, ay nag-aanyaya sa lahat ng pet owners na mag pre-register para sa 200 slots ng libreng spay at neuter sa darating na Biyernes, Hulyo 10, 2026, 8:00 AM, sa Animal Impounding and Healthcare Center, Eco-Village, Brgy. Malagasang 1-G.
Samantala, ang mismong Spay and Neuter ay gaganapin sa Hulyo 16, 2026, sa Auditorium ng Imus Pilot Elementary School.
Narito ang requirements para sa PRE-REGISTRATION:
๐ขValid ID na may Imus Address (photocopy)
๐ขKinakailangan ang personal na pagpunta
๐ขHindi tatanggap ng authorization o representative
๐ขLahat ng pet owners ay kailangang mag-fill out ng SPAY at NEUTER Registration Form sa araw ng Pre-Registration
๐กPAALALA: Isang (1) pusa o a*o lamang ang maaaring iparehistro at sumailalim sa libreng kapon bawat household o bahay.
Dahil sa posibleng health-related concerns, hindi maaaring sumailalim ang snub-nosed pets sa libreng kapon. Ang mga alagang hayop na ito ay kinabibilangan ng:
๐ตPug
๐ตFrench Bulldog
๐ตEnglish Bulldog
๐ตBoston Terrier
๐ตShih Tzu
๐ตPekingese
๐ตPersian Cat
๐ตExotic Shorthair
Ang programang ito ay para sa kalusugan ng inyong mga alagang pusa at a*o, at para sa mas responsableng pet ownership sa lungsod.