14/09/2026
⚠️ BEWARE OF FAKE HIKARI SUNSCREEN ON SHOPEE / TIKTOK! ⚠️
Isang customer ang pumunta sa shop namin bitbit ang dalawang pack ng Hikari Sunscreen—isa roon ay nabili niya sa online shopping platforms (Shopee/TikTok), at ang isa naman ay ang binili niya dito sa aming shop.
Gusto niya kasing i-verify kung bakit magkaiba ang texture at packaging! At nung pinagkumpara namin side-by-side, 100% CONFIRMED: Fake ang nabili niya online, at Authentic/Legit ang benta natin dito! 💯✨
Para hindi rin kayo mabiktima ng fake products na pwedeng makasira sa skin niyo, narito ang quick guide para malaman ang ORIGINAL vs. FAKE:
Logo & Packaging Color: Ang ORIGINAL ay may metallic golden shine sa logo, samantalang ang FAKE ay may yellowish/dull tone lang sa gilid at details.
Manufacturing / Expiration Batch Code: Tignan ang likod ng pouch! Ang ORIGINAL ay may Malinaw na Batch Code, MFG, at EXP date (printed code sa pinakailalim). Ang FAKE naman ay walang kahit anong printed batch code sa likod.
Consistency & Blendability: Ang ORIGINAL ay smooth, pinkish, madaling i-blend, at napakabango ng scent! Ang FAKE naman ay malagkit (sticky), mahirap i-apply/i-blend, at nag-iiwan ng malalang white cast sa mukha.
Ingat po tayo sa mga sobrang murang offers online, beauties! Huwag natin i-risk ang ating skin barrier sa mga peke at hindi natin alam kung ano ang ingredients.
✨ Guaranteed 100% Authentic & Fresh Stock dito sa aming shop!
📩 Send us a message or visit our physical store to get your legit Hikari Sunscreen today! 💖