11/07/2026
Maaga naming natapos ang lahat ng trabaho. Alas-tres o alas-kuwatro pa lang ata ng madaling araw nasa byahe na kami pauwi ng Makati galing sa Cavite. Nakarating kami sa Kalayaan ng 5am, at dahil hindi pa masyadong inaantok, naisipan naming humanap ng kapihan para makapagpahinga kaunti bago tuluyang umuwi sa kanya kanya naming tahanan 🙂
Ang problema nga lang, wala kaming nadaanan na bukas na kapihan ng alas kuwatro ng umaga.
Papasok na sana kami sa McDo ng bigla namin natanaw ang Nihon Cafe. 24/7 pala ang kapihan nila dito sa J.P. Rizal, Makati. Agad na din kaming pumasok para maka-order.
Kumuha ako ng Iced Cafe Americano (Php190), Overload Cheese Fries (Php280),Jalapeño Cheese Stick (Php280) at slice ng Carrot Cake. Samantalang sa mga kasama ko naman ay Salted Caramel Macchiato (Php220), Signature Chocolate (Php230) at Hot Cafe Americano. May 8% service fee nga pala sila para sa dine in orders.
Habang naghihintay ng order ko, nagmasid masid ako sa paligid. Mabuti na lang at may bukas na na kapihan ngayong alas-singko ng umaga. Merong grupo ng bikers na mukhang galing sa malayong byahe. Meron ding grupo ng mga empleyado na mukhang kalalabas lang sa trabaho. Meron ding mga solong nakaupo sa gilid na nagtatrabaho ng tahimik habang umiinom ng kape.
Medyo mataas ang presyo ng kape nila, may service charge din na kailangang bayaran. Pero para sa akin, kung 24/7 naman ang kapihan at pwede kang magtrabaho sa loob kahit ilang oras, malinis, mabango, malamig, may CR din na magagamit, may parking sa labas, ok na sa para sa akin ang magbayad ❤️
Nihon Cafe
https://facebook.com/nihoncafe2021
📍452 JP Rizal St., cor Sampaguita St. Brgy Olympia, Makati