13/07/2026
Cute Balloon Dog Keychain para sa Susi o Souvenirs!
Sino ang mag-aakalang may ganitong ka-cute, makulay, at aesthetic na accessory sa halagang kinse pesos lang?
Itong aming mga Balloon Dog Charms ay may dalawang finishes na pwedeng pagpilian—may makintab (shiny/pearlescent) at mayroon ding medyo malinaw (frosted/jelly style)! Ang sarap kolektahin ng lahat ng kulay dahil terno pa ang ball chain nito.
Kung naghahanap ka ng abot-kayang freebies para sa iyong customers, giveaways sa birthday, o maliit na regalo para sa mga klasmeyt at katrabaho, pwedeng-pwede itong pakyawin!
Maliit, makulay, at siguradong magpapasaya sa makakatanggap! Mag-send na ng mensahe rito sa Craftēria para makapag-reserve ng inyong orders habang kumpleto pa ang stocks!