28/06/2022
NEWS UPDATE: Inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año na inaasahan nang tatagal ng dalawang oras ang inagurasyon ni President-elect Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa Huwebes, Hunyo 30, na gaganapin sa National Museum sa Maynila.
Iniulat din ng subcommittee on Security, Traffic, and Communications ngayong Martes, Hunyo 28, na magsisimula ang aktibidad sa ganap na 10:15 a.m. kung saan una rito ang military at civil parade at susundan ng oath taking at talumpati ni President-elect Marcos. | via Patrick de Jesus