Serbisyong Kabataan

Serbisyong Kabataan Discover your personal smell journey with our special body mists and brume parfumées.

These perfumes, infused with enticing aromas, will leave a lasting impression while seamlessly complementing your style.

𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗛𝗘𝗥𝗢𝗘𝗦 𝗗𝗔𝗬 Sa paggunita natin sa mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay para sa bayan, hindi lamang natin bina...
31/08/2026

𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗛𝗘𝗥𝗢𝗘𝗦 𝗗𝗔𝗬

Sa paggunita natin sa mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay para sa bayan, hindi lamang natin binabalikan ang kanilang mga pangalan at kuwento.
𝗜𝗻𝗮𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗺𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹 𝘀𝗮 𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗮 𝗸𝗮𝘀𝗮𝗺𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝗴𝘁𝗶𝗻𝗱𝗶𝗴 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗽𝘄𝗮 𝗮𝘁 𝗶𝗽𝗮𝗴𝗹𝗮𝗯𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗿𝗮𝗽𝗮𝘁𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁.

Bilang kabataan, hindi sapat ang pag-alala sa mga bayani kung mananatili lamang ito sa isang araw. Ang kanilang iniwang diwa ay dapat nating dalhin sa kasalukuyan—sa pakikialam sa mga isyung kinakaharap ng ating komunidad, sa pagsasalita kapag may mali, at sa pagkilos para sa kapakanan ng nakararami.

Sa bawat kabataang nakikialam, nagtatanong, tumitindig, at kumikilos, patuloy na nabubuhay ang diwa ng kabayanihan.

𝗠𝗮𝗴𝗽𝗮𝗸𝗮𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻. 𝗠𝗮𝗴𝗽𝗮𝗸𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻. 𝗠𝗮𝗴𝗹𝗶𝗻𝗴𝗸𝗼𝗱 𝘀𝗮 𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻. 🇵🇭❤️

𝗠𝗮𝗹𝗶𝗴𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻𝗶!







✨ ANDA CUTIE!!! ✨𝗣𝗔𝗟𝗔𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗛𝗜 𝟮𝟬𝟮𝟲 — 𝗧𝗘𝗔𝗠 𝗥𝗘𝗩𝗘𝗔𝗟! 🏆🔥Ready na ba kayo? 👀Narito na ang WALONG (8) KOPONAN na maghaharap-h...
28/08/2026

✨ ANDA CUTIE!!! ✨

𝗣𝗔𝗟𝗔𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗛𝗜 𝟮𝟬𝟮𝟲 — 𝗧𝗘𝗔𝗠 𝗥𝗘𝗩𝗘𝗔𝗟! 🏆🔥

Ready na ba kayo? 👀
Narito na ang WALONG (8) KOPONAN na maghaharap-harap at magpapakitang-gilas sa ating Palarong Lahi!

Kilalanin na natin ang bawat team, kasama ang kanilang mga manlalaro!

💙 𝐀𝐯𝐢𝐬𝐚𝐥𝐚 — Blue
💗 𝐂𝐔𝐓𝐈𝐄 — Pink
💜 𝐑𝐞𝐛𝐞𝐜𝐜𝐚 𝐁𝐚𝐛𝐢𝐞𝐬 — Violet
🩵 𝐏𝐚𝐫𝐚 𝐒𝐚 𝟑𝐊 — Aqua/Turquoise
❤️ 𝐀𝐬𝐭𝐞𝐫𝐡𝐨𝐨𝐝 — Red
🧡 𝐏𝐚𝐤𝐢𝐥𝐢𝐠𝐜𝐡 — Orange
💛 𝐏𝐚𝐤𝐚𝐰𝐤𝐚𝐰 — Yellow
🖤 𝐒𝐩𝐢𝐝𝐞𝐫 𝐆𝐫𝐨𝐮𝐩 — Black

Sino kaya ang magiging pinaka-MALAKAS, pinaka-MABILIS, at pinaka-MADISKARTE sa walong koponan? 👀🔥

𝘈𝘣𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯…

𝗣𝗔𝗟𝗔𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗛𝗜 𝟮𝟬𝟮𝟲✨🏆Inihahandog ng 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 at 𝗧𝗿𝗼𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗚𝗔𝗥𝗔𝗬Ngayong 𝗕𝘂𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗪𝗶𝗸𝗮, sama sama tayong magbalik ...
17/08/2026

𝗣𝗔𝗟𝗔𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗛𝗜 𝟮𝟬𝟮𝟲✨🏆

Inihahandog ng 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 at 𝗧𝗿𝗼𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗚𝗔𝗥𝗔𝗬

Ngayong 𝗕𝘂𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗪𝗶𝗸𝗮, sama sama tayong magbalik tanaw sa mga larong kinalakihan at pinasikat ng panahon, sama-samang din nating ipagdiwang ang kulturang Pilipino sa pamamagitan ng pakikilahok sa aming pagdiriwang na 𝗣𝗔𝗟𝗔𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗛𝗜 𝟮𝟬𝟮𝟲!

Bumuo ng inyong koponan, isama ang barkada’t pamilya at subukan ang inyong 𝘣𝘪𝘭𝘪𝘴, 𝘭𝘪𝘬𝘴𝘪, 𝘥𝘪𝘴𝘬𝘢𝘳𝘵𝘦, 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘨𝘵𝘶𝘵𝘶𝘭𝘶𝘯𝘨𝘢𝘯 sa iba’t ibang 𝘭𝘢𝘳𝘰𝘯𝘨 𝘗𝘪𝘯𝘰𝘺.

𝗠𝗚𝗔 𝗟𝗔𝗥𝗢:
• Egg Catching
• Sack Race
• Chinese Garter
• Patintero
• Tug of War
• Newspaper Dance
• Calamansi Relay
• Kissing Cards
• Spider Web
• Baton Relay

𝟖 𝐊𝐎𝐏𝐎𝐍𝐀𝐍 | 𝟏𝟎 𝐌𝐀𝐍𝐋𝐀𝐋𝐀𝐑𝐎 𝐁𝐀𝐖𝐀𝐓 𝐊𝐎𝐏𝐎𝐍𝐀𝐍

𝗖𝗔𝗦𝗛 𝗣𝗥𝗜𝗭𝗘:

𝗖𝗛𝗔𝗠𝗣𝗜𝗢𝗡 — ₱ 3,000
𝟭𝗦𝗧 𝗣𝗟𝗔𝗖𝗘— ₱ 2,000
𝟮𝗡𝗗 𝗣𝗟𝗔𝗖𝗘 — ₱ 1,000

Mayroon ding 𝙫𝙤𝙪𝙘𝙝𝙚𝙧𝙨 𝙢𝙪𝙡𝙖 𝙨𝙖 𝙢𝙞𝙣𝙖𝙢𝙖𝙝𝙖𝙡 𝙣𝙖𝙢𝙞𝙣𝙜 𝙨𝙥𝙤𝙣𝙨𝙤𝙧 𝙖𝙩 𝙨𝙚𝙧𝙩𝙞𝙥𝙞𝙠𝙤 para sa mga mapalad na manlalaro!

📅 𝗶𝗸𝗮-𝟮𝟵 𝗻𝗴 𝗔𝗴𝗼𝘀𝘁𝗼 𝘁𝗮𝗼𝗻𝗴 𝟮𝟬𝟮𝟲 | 𝗦𝗮𝗯𝗮𝗱𝗼 | 𝗔𝗹𝗮𝘀 𝗢𝘁𝘀𝗼 𝗻𝗴 𝘂𝗺𝗮𝗴𝗮
📍 𝗔𝗹𝗮𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗪𝗲𝘀𝘁 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗲𝗿𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗘𝘀𝘁𝗮𝘁𝗲

𝟭𝟬 𝗹𝗮𝗿𝗼. 𝟴 𝗸𝗼𝗽𝗼𝗻𝗮𝗻. 𝗜𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗺𝗽𝗲𝗼𝗻.
Handa ka na bang makipagtagisan?
Bumuo na ng inyong koponan at ipakita ang inyong galing!

𝗟𝗶𝗯𝗿𝗲 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗿𝗲𝗵𝗶𝘀𝘁𝗿𝗼!
Mag rehistro na dito dahil limitado lamang ang mga slot.

https://bit.ly/4x6MVbE
https://bit.ly/4x6MVbE
https://bit.ly/4x6MVbE

Sama-sama nating buhayin ang 𝙡𝙖𝙧𝙤, 𝙨𝙖𝙮𝙖, 𝙖𝙩 𝙙𝙞𝙬𝙖 𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜𝙠𝙖-𝙋𝙞𝙡𝙞𝙥𝙞𝙣𝙤.

Malapit na tayong magpasaya at magbalik-tanaw sa mga larong pinasikat ng panahon. 👀𝟎𝟖. 𝟐𝟗. 𝟐𝟔
16/08/2026

Malapit na tayong magpasaya at magbalik-tanaw sa mga larong pinasikat ng panahon. 👀

𝟎𝟖. 𝟐𝟗. 𝟐𝟔

𝗖𝗢𝗠𝗠𝗨𝗡𝗜𝗧𝗬 𝗣𝗔𝗡𝗧𝗥𝗬 para kay 𝐃𝐎𝐒 🍅🩵💗Sa pagtatapos ng Community Pantry para kay DOS, buong puso nating binabalikan ang kabut...
13/08/2026

𝗖𝗢𝗠𝗠𝗨𝗡𝗜𝗧𝗬 𝗣𝗔𝗡𝗧𝗥𝗬 para kay 𝐃𝐎𝐒 🍅🩵💗

Sa pagtatapos ng Community Pantry para kay DOS, buong puso nating binabalikan ang kabutihan, pagkakaisa, at pagtutulungan ng bawat taong naging bahagi ng inisyatibang ito. ✨

Ang proyektong ito ay isang collaborative initiative ng 𝐒𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐋𝐚𝐬 𝐏𝐢ñ𝐚𝐬 𝐘𝐨𝐮𝐭𝐡 𝐟𝐨𝐫 𝐆𝐨𝐨𝐝 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐚𝐧𝐜𝐞 (𝐋𝐏𝐘𝐆𝐆), na nagbuklod sa iisang layunin ang makapaglingkod at makapaghatid ng tulong sa ating komunidad.

Ang nagsimula bilang simpleng hangaring makapagbahagi ay naging mas makabuluhan dahil sa lahat ng naglaan ng oras, tumulong, nagbigay ng kanilang makakaya, at kusang-loob na nakiisa sa paglilingkod. 𝗠𝘂𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗵𝗮𝗵𝗮𝗻𝗱𝗮 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗴-𝗮𝗮𝘆𝗼𝘀 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝘁𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶, 𝗯𝗮𝘄𝗮𝘁 𝗸𝗮𝗺𝗮𝘆 𝗻𝗮 𝘁𝘂𝗺𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗮𝘆 𝗻𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶 𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗴𝘂𝗺𝗽𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝗖𝗼𝗺𝗺𝘂𝗻𝗶𝘁𝘆 𝗣𝗮𝗻𝘁𝗿𝘆.

Taos-puso ang aming maraming salamat sa lahat ng volunteers, donors, at supporters na nagbahagi ng kanilang oras, pagod, effort, at kabutihang-loob. Lalong-lalo na sa 𝐀𝐥𝐦𝐚𝐧𝐳𝐚 𝐂𝐚𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐓𝐞𝐚𝐦, 𝐋𝐚𝐬 𝐏𝐢ñ𝐚𝐬 𝐘𝐨𝐮𝐭𝐡 𝐟𝐨𝐫 𝐆𝐨𝐨𝐝 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐚𝐧𝐜𝐞, 𝐚𝐭 𝐓𝐫𝐨𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐆𝐀𝐑𝐀𝐘 na nakibahagi at nakipagtulungan upang maisakatuparan ang munting pagkilos na ito para sa ating komunidad. 💗

𝗦𝗮 𝗯𝗮𝘄𝗮𝘁 𝘁𝗮𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗴𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆, 𝘁𝘂𝗺𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴, 𝗮𝘁 𝗻𝗮𝗸𝗶𝗶𝘀𝗮—𝗺𝗮𝗿𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝘁 𝘀𝗮 𝗶𝗻𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗹𝗮𝘀𝗮𝗸𝗶𝘁 𝗮𝘁 𝗽𝘂𝘀𝗼𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗻𝗱𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗹𝗶𝗻𝗴𝗸𝗼𝗱.

Dahil sa huli, ang maliit na kabutihan, kapag pinagsama-sama, ay nagiging malaking tulong at malaking pagbabago. 🩵🩷✨








Isang masaya at makabuluhang selebrasyon ng kalusugan, nutrisyon, at pagkamalikhain ang naging 𝐍𝐮𝐭𝐫𝐢-𝐅𝐚𝐬𝐡𝐢𝐨𝐧𝐢𝐬𝐭𝐚!Taos-pu...
13/08/2026

Isang masaya at makabuluhang selebrasyon ng kalusugan, nutrisyon, at pagkamalikhain ang naging 𝐍𝐮𝐭𝐫𝐢-𝐅𝐚𝐬𝐡𝐢𝐨𝐧𝐢𝐬𝐭𝐚!

Taos-puso ang aming pasasalamat sa 𝐑𝐞𝐛𝐞𝐜𝐜𝐚 𝐃𝐚𝐲 𝐂𝐚𝐫𝐞 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐞𝐫 sa kanilang aktibong pakikilahok at sa mga bata na buong saya at kumpiyansang nakibahagi sa programa. Ang inyong suporta at pakikiisa ang nagbigay-buhay sa Nutri-Fashionista ngayong taon!

Lubos din ang aming pasasalamat sa aming mga sponsors at partners na patuloy na sumusuporta sa mga programang para sa kapakanan ng kabataan at komunidad. Kabilang na dito ang 𝐓𝐫𝐨𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐆𝐚𝐫𝐚𝐲 at ang ating mga 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥𝐨𝐫𝐬. Ang inyong malasakit at pagtitiwala ay malaking bahagi ng tagumpay ng programang ito.

Patuloy na naniniwala ang 𝐒𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 na ang nutrisyon ay hindi lamang tungkol sa pagkain—ito ay tungkol sa paghubog ng mas malusog, mas masaya, at mas aktibong kabataan.






𝐈𝐓’𝐒 𝐀 𝐖𝐑𝐀𝐏! Opisyal nang nagtapos ang isa na namang matagumpay na linggo! Sa huling yugto ng programa, naihatid natin a...
13/08/2026

𝐈𝐓’𝐒 𝐀 𝐖𝐑𝐀𝐏! Opisyal nang nagtapos ang isa na namang matagumpay na linggo! Sa huling yugto ng programa, naihatid natin ang masustansyang pagkain, saya, at pagkakaisa sa komunidad—patunay ng lakas ng pagtutulungan at dedikasyon ng ating mga kabataang lider at volunteers. 🩷🩵

Sa pangunguna at pakikiisa ng 𝐒𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 at 𝐓𝐫𝐨𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐆𝐚𝐫𝐚𝐲, nasaksihan natin ang mga ngiti at saya ng mga bata at pamilya habang nakikibahagi sa masustansyang pagkain.

Isang makabuluhang pagtatapos para sa 𝗔𝗖𝗧𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝗸𝗮𝘆 𝗗𝗼𝘀—isang paalala na sa sama-samang pagkilos, mas marami tayong naaabot at mas marami tayong napaglilingkuran. Serbisyo, malasakit, at kabataan para sa komunidad.






Sa pagpapatuloy ng ating 𝗔𝗖𝗧𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝗸𝗮𝘆 𝗗𝗼𝘀 𝗙𝗲𝗲𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺, mas marami pa ang lugar sa ating komunidad ang naabot sa ...
13/08/2026

Sa pagpapatuloy ng ating 𝗔𝗖𝗧𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝗸𝗮𝘆 𝗗𝗼𝘀 𝗙𝗲𝗲𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺, mas marami pa ang lugar sa ating komunidad ang naabot sa pamamagitan ng masustansyang pagkain at makabuluhang mga aktibidad para sa mga bata at pamilya.

Sa tulong ng 𝐒𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 at 𝐓𝐫𝐨𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐆𝐚𝐫𝐚𝐲, patuloy nating isinasabuhay ang diwa ng pagkakaisa at malasakit. Sama-sama nating tinitiyak na bawat komunidad ay makaramdam ng tunay na serbisyo, tamang nutrisyon, at pagmamalasakit sa kapwa. 🩷🩵






𝐖𝐄𝐄𝐊 𝟏 𝐖𝐑𝐀𝐏-𝐔𝐏: Highlights of the Program Ang unang linggo ng programa ay naging makabuluhan at matagumpay. Feeding acti...
13/08/2026

𝐖𝐄𝐄𝐊 𝟏 𝐖𝐑𝐀𝐏-𝐔𝐏: Highlights of the Program

Ang unang linggo ng programa ay naging makabuluhan at matagumpay. Feeding activities brought nourishment and joy sa mga bata at pamilya, habang pinapalakas ang unity ng komunidad. 🩷🩵 Isang malakas na simula para sa mas marami pang linggo ng serbisyo at malasakit.

Kasama ang 𝐒𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 at 𝐓𝐫𝐨𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐆𝐚𝐫𝐚𝐲 sa mga naniniwalang sa sikmura nagmumula ang lakas ng bawat bata.






𝗖𝗢𝗡𝗚𝗥𝗔𝗧𝗨𝗟𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗦, 𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡 𝗚𝗥𝗔𝗗𝗨𝗔𝗧𝗘𝗦!✨🎓Isang taos-pusong pagbati sa ating mga kasamahan sa 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻...
05/08/2026

𝗖𝗢𝗡𝗚𝗥𝗔𝗧𝗨𝗟𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗦, 𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡 𝗚𝗥𝗔𝗗𝗨𝗔𝗧𝗘𝗦!✨🎓

Isang taos-pusong pagbati sa ating mga kasamahan sa 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 na nagtapos mula sa 𝗗𝗿. 𝗙𝗶𝗹𝗲𝗺𝗼𝗻 𝗖. 𝗔𝗴𝘂𝗶𝗹𝗮𝗿 𝗠𝗲𝗺𝗼𝗿𝗶𝗮𝗹 𝗖𝗼𝗹𝗹𝗲𝗴𝗲 𝗼𝗳 𝗟𝗮𝘀 𝗣𝗶ñ𝗮𝘀 – 𝗖𝗹𝗮𝘀𝘀 𝗼𝗳 𝟮𝟬𝟮𝟲.

🌟 𝗦𝗵𝗮𝘂𝗻𝗮 𝗥𝘂𝘁𝗵 𝗔𝗹𝗺𝗼𝗱𝗶𝗲𝗹
𝘉𝘢𝘤𝘩𝘦𝘭𝘰𝘳 𝘰𝘧 𝘚𝘤𝘪𝘦𝘯𝘤𝘦 𝘪𝘯 𝘉𝘶𝘴𝘪𝘯𝘦𝘴𝘴 𝘈𝘥𝘮𝘪𝘯𝘪𝘴𝘵𝘳𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 -
𝘔𝘢𝘳𝘬𝘦𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘔𝘢𝘯𝘢𝘨𝘦𝘮𝘦𝘯𝘵

🌟 𝗔𝗻𝗲𝗹𝗼𝘃 𝗟𝗼𝗿𝗲𝗷𝗼
𝘉𝘢𝘤𝘩𝘦𝘭𝘰𝘳 𝘰𝘧 𝘚𝘤𝘪𝘦𝘯𝘤𝘦 𝘪𝘯 𝘈𝘤𝘤𝘰𝘶𝘯𝘵𝘢𝘯𝘤𝘺

Ang inyong tagumpay ay bunga ng sipag, tiyaga, at determinasyon. Nawa'y magsilbi itong inspirasyon upang patuloy ninyong abutin ang inyong mga pangarap at gamitin ang inyong kaalaman sa paglilingkod at paggawa ng positibong pagbabago sa ating komunidad.

Lubos ang aming saya at pagmamalaki sa inyong tagumpay. Buong puso kayong binabati ng Serbisyong Kabataan. Nawa'y ipagpatuloy ninyo ang pagiging inspirasyon sa kapwa kabataan at dalhin ang parehong dedikasyon saan man kayo dalhin ng inyong mga pangarap.

𝗣𝗮𝗱𝗮𝘆𝗼𝗻, 𝗴𝗿𝗮𝗱𝘂𝗮𝘁𝗲𝘀! 💙

Address

Las Piñas
1750

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Serbisyong Kabataan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share