18/02/2022
Alam kong hindi lahat ng business owners ginagawa to pero for me SHARING IS CAAAAAARING! 😉
Kapag naglalabas kami ng products, lagi kong tinatanong sa sarili ko..
“Kath, how will your brand stand out in a saturated market?”
Marami ng rejuv sa market, anong kaibahan mo sakanila?
May mga whitening set na rin, bakit ka nila tatangkilikin?
Nagkalat ang mga sabon at sunscreen, bakit nila gagamitin yung her skin?
Di bale ng malaman nyo kung ano yung strategy ko, basta sa Her Skin at Sevendays nagbusiness kami with a purpose. Yun ay ang makatulong. 💯
First, plan ahead. It’s up to you kung gaano katagal pero kami usually nagpplan na kami 3-6months for new products.
Matagal ang processing, matagal ang packaging, matagal ang testing, documentations and all kaya you should plan ahead of time!
Next, FOCUS ON HELPING PEOPLE, wag kang mag focus sa SALES or kung magkano ang kikitain mo.
Piliin mong gumawa ng produktong makakatulong sa problema ng mga tao. In that way, bibilhin nila yung product at mamahalin nila kase you care about them. Customer service is our priority!
Business with a purpose! 💯
Lastly, marketing. Sa saturated market tulad ng skincare products paano ka nila mapapansin?
It’s either ikaw ang PINAKA KAKAIBA.
Ikaw ang NAUNA.
O ikaw ang PINAKA MAINGAY.
What if lahat yan makuha mo? Edi ang galing!! 💯
Chariz. Kidding aside, sa online business yan kailangan. 🙌🏻
Ano ang kaya ng brand mo na hindi kaya ng iba? Show yourself! Be authentic. Tell them your story.
Hindi po veteran sa online business, kakasimula palang namin pero yung experiences? Binabaon ko at inaapply namin sa Her Skin.
Hindi ako expert sa ganitong topic pero nag aaral ako. Ilan lang to sa experiences ko kase baka kapag kinwento ko lahat hindi tayo matapos. (Sorry na) 😅
Lagi ko ngang sinasabi WILLING TO LEARN kami.
ISANG TAON NA SI HER SKIN PERO SOLD OUT PA RIN! SI SEVEN DAYS NAMAN PAGKA LAPAG SOLD OUT DIN!
Hindi kase sya hype na overnight lang wala na. Matagal at mahabang process yan para ma-maintain mo yung takbo ng negosyo mo.
Start small, baby steps every day. A small progress is still a progress. Magugulat ka nalang malaki ka na pala. 💯
Flex ko lang yung mga babies ko! 🙈
Kinikilig ako kapag sinabing trusted and effective yan! 😭💙