15/05/2026
📢 **Paalala mga ka-TRO-pa!** 📢
Magandang araw po sa inyong lahat! Gusto lang po namin magbigay ng abiso tungkol sa mga items na naka **pa-keep** sa aming munting tindahan.
👉 Baka po nakakalimutan ninyo na may items pa po kayo sa amin.
👉 Para po sa mga items na **3 months na pataas nakaimbak**, hinihiling po namin na **maipaship na ito sa lalong madaling panahon**.
👉 Simula po ngayon, magkakaroon na po ng **₱100 storage fee** para sa mga items na lagpas 3 months na nakaimbak — *kahit gaano pa kalaki o kadami ang inyong items*.
⚠️ Paalala lang din po: Hindi na po namin masasagot kung may masira sa items kapag tumagal na ito nang ganito katagal sa amin. Hindi rin po maiiwasan ang pagkakaroon ng alikabok.
📣 Dagdag pa po: Kami po ay **nagla-live selling ng tatlong beses o higit pa kada linggo**, kaya talagang limited po ang aming space at tuloy-tuloy ang galaw ng items sa shop.
Umaasa po kami sa inyong pang-unawa at kooperasyon upang patuloy naming maayos na mapagsilbihan ang lahat. 💛
📩 Maari po kayong mag-message agad para sa shipping arrangements.
Maraming salamat po sa inyong unawa at patuloy na suporta, ka-TRO-pa! 🙏
started posting: April 15,2026