27/10/2025
GUY'S! TANDAAN!! 🚨🚨🚨
"ANG TRAUMA SA CHEATING"
Ang Trauma ng Panloloko ay Sugat na Hindi Agad Naghihilom.
Ang "Trauma ng Cheating" ay hindi lang basta sakit ng puso; isa itong sugat na pilit mong tinatapalan, pero paulit-ulit na bumubuka.
Hindi ito madaling kalimutan dahil hindi lang alaala ang iniwan, kundi "takot, pagdududa, at kawalan ng tiwala"—hindi lang sa taong nanloko, kundi pati sa sarili mo.
Minsan tahimik ka lang, pero bigla kang natitigilan sa simpleng trigger... isang mensahe, isang eksena, o isang pangungusap na parang nagbukas ulit ng lumang sugat. At doon mo ma-re-realize, hindi pa pala lubos na gumagaling ang sugat ng nakaraan.
Ang trauma ng panloloko ay parang "multo." Hindi mo nakikita, pero nararamdaman mong binabagabag ka. Dumadalaw sa gitna ng katahimikan, sumisilip sa tuwing nagiging masaya ka, at minsan, kinukuwestiyon mo kung kaya mo pa bang magmahal ulit nang buo.
Pero tandaan mo... "ang trauma ay hindi habambuhay na hatol."
Isa itong paalala na minsan mong ibinigay ang lahat, at ngayon, natututo kang magtira para sa sarili mo. Dahil kahit gaano kalalim ang sugat, gumagaling din 'yan sa tamang panahon basta matutunan mong hindi lahat ng dumarating ay karapat-dapat pagkatiwalaan.
Ang totoo, hindi mo kailangang kalimutan ang lahat para maka-move on...
Ang kailangan mo lang ay matutunang tanggapin, at gamitin ang sakit bilang lakas. Dahil minsan, ang panloloko ay hindi katapusan ng pagmamahal, kundi simula ng pagkilala mo sa sarili mong halaga. At isang paalala na kapag nasaktan ka, piliin mo ang iyong sarili. ✨
©Jygie Delos Reyes
゚ ゚