24/05/2025
"NAKAKALUNGKOT ISIPIN NA KARAMIHAN NG MGA KABATAAN NGAYON AY WALA NG RESPETO SA MGA MAGULANG.."
Dapat kapag pinapangaralan kayo ay
makinig kayo, hindi yung mag aalburuto pa kayo.
Alam niyo kung mahal nyo yung mga magulang nyo makikinig ka sa sinasabi niya..Kase yung advice nila dyan ka matututo, swerte ka kung pinaparanas sayo ng magulang mo yung pangangaral sayo.
Lagi mong tandaan na hindi ka nila pagsasalitaan ng hindi maganda
kung wala kang ginagawang masama sa paningin nila
Nasasaktan ka? Tapos ang tanging paraan na naiisip mo ay maglayas?
Bago mo gawin yan, sana marealize mo na yung sakit na nararamdaman mo ay mas higit pa sa sakit na nararamdaman ng magulang mo.
Dahil sa ginagawa mo na yan
pinapakita mong hindi ka takot at hindi mo sila nirerespeto at lahat ng pangaral nila ay binabalewala mo.
Masakit yun para sa isang magulang
na ang gusto lang naman ay mapunta ka sa tamang landas
yan ang lagi mong tatandaan.
Darating ang panahon na magkakapamilya ka ng sarili at magkakaroon ng anak.
Baka yung ginagawa mo sa magulang mo ay gawin din sayo ng magiging Anak mo..
Kaya ikaw bata igalang at mahalin mo ang mga magulang mo..
Ctto