I-Connect News

I-Connect News A Solutions and Explainer News Platform based in Malolos, Bulacan.

We practice Bridge / Constructive Journalism β€” translating government issues into public understanding.

05/08/2026

π—ͺπ—”π—¦π—§π—˜ 𝗧𝗒 π—˜π—‘π—˜π—₯π—šπ—¬ 𝗧𝗒 π—›π—’π—Ÿπ—Ÿπ—’π—ͺπ—•π—Ÿπ—’π—–π—žπ—¦! π— π—”π—Ÿπ—’π—Ÿπ—’π—¦ π—‘π—”π—‘π—šπ—¨π—‘π—šπ—¨π—‘π—” 𝗑𝗔 πŸ’š

Opisyal nang operational ang 200-Ton Pyrolysis Plant ng Malolos!

PAANO ITO GUMAGANA:
Basura β†’ Enerhiya - walang sunog, walang usok
Byproduct β†’ Hollowblocks - magagamit sa mga proyekto ng lungsod
Solar powered facility - may β‚±5M na suporta mula DOST III

RESULTA:
Nababawasan ang basura sa landfill
May libreng materyales para sa mga proyekto
Mas malinis na hangin para sa mga MaloleΓ±o

Basura na, naging pera at imprastraktura pa! Ito ang tunay na Circular Economy.

03/08/2026

Inihahandog namin sa inyo ang pilot episode ng aming documentary series na pinamagatang "PEOPLE'S DAY."

Layunin ng seryeng ito na subaybayan at talakayain ang tunay na karanasan ng kapwa nating Bulakenyo tuwing People's Day sa bawat tanggapan ng mga lokal na pamahalaan dito sa Bulacan.

Hindi lang kung may natatanggap ba silang tulong. Kundi kung paano nila ito hinihintay. Ang sakripisyo, ang pagod, at kung paano sila pinakikitunguhan ng sistemang dapat at nangakong tumutulong sa kanila.

PILOT EPISODE: THE PEOPLE'S GOVERNOR

Sinimulan natin sa Kapitolyo dahil ito ang pinakamalaki at pinakadinarayo tuwing First Monday of the Month.

Pero hindi po dito nagtatapos ang seryeng ito.

Sa mga susunod na linggo, tututukan din natin ang People's Day ng bawat City Hall at Munisipyo sa Bulacan β€” kung paano pinapangalagaan ng mga Mayor ang oras, pagod, at dignidad ng kanilang mga kababayan.

Iisa ang pamantayan natin sa lahat: Maayos ba? Makatao ba? Maagap ba?

Dahil ang tunay na malasakit, hindi nasusukat sa dami ng ipinamigay, kundi sa kung paano mo pinahalagahan ang dignidad ng taong lumapit para humingi nito.

Abangan ang mga susunod na episode.

03/08/2026

8:36pm: Sitwasyon sa Kapitolyo

First Monday of the Month (People's Day) ng Gobernador, dinagsa ng mga Bulakenyo.

Isang araw sa isang buwan ang sadyang nakalaan sa mga nagnanais na personal na lumapit ng tulong sa Tanggapan ng Gobernador Daniel R. Fernando. Ginaganap tuwing unang Lunes ng bawat buwan.

Kuha ang video: August 3, 2026, 8:36 ng gabi. Natapos ang pamamahagi ng tulong 10:00pm na. Ganito kadalasan ang nangyayari tuwing People's Day - darating ng maaga, uuwi ng gabi. Gobernador man o ordinaryong mamamayan.

Isang sitwasyon, dalawang naratibo:
1. "Gabi na ay patuloy pa ring namamahagi ng tulong ang gobernador"
2. "Ginagabi na ang mga Bulakenyo sa pag-aantay ng tulong mula sa gobernador"

Anong perspektibo ang handa mong tanggapin at paniniwalaang nangyayari?

"Is the glass half empty or half full?"

Isang popular na idyoma na sumasalamin sa pananaw ng isang tao.

May isang basong may kalahating tubig.

Tatanungin ka: Anong nakikita mo?
Half Full - kalahating puno pa. Ibig sabihin optimist ka. Nakikita mo kung ano yung meron pa. "Okay lang, may tubig pa naman."

Half Empty - kalahating wala na. Ibig sabihin pessimist ka. Nakikita mo kung ano yung kulang. "Wala na, kalahati na lang natira."

Sa totoo lang, hindi naman sa dami ng tubig nasusukat ang pasasalamat.
Kahit kalahating baso lang yan, kung maaga ibinigay sa taong kanina pa nauuhaw... half full pa rin ang tawag niya doon.

| via Ronalyn Cruz

Walang pasok sa Malolos, August 3, 2026.
02/08/2026

Walang pasok sa Malolos, August 3, 2026.

02/08/2026

Senator Joel Villanueva celebrated his birthday in his home province of Bulacan.

He capped the day with the distribution of 1,000 rain gear sets and 1,000 hygiene kits to grade school and high school students in Marilao.

Senator Joel Villanueva, personal na inalam ang kalagayan ng BulacanNakipagpulong si Senador Joel Villanueva sa mga alka...
01/08/2026

Senator Joel Villanueva, personal na inalam ang kalagayan ng Bulacan

Nakipagpulong si Senador Joel Villanueva sa mga alkalde ng Bulacan sa Baliwag City nitong Biyernes, July 31, para pakinggan ang mga pangunahing problema ng lalawigan bago ang deliberasyon ng 2027 national budget. Pangunahing isyung tinalakay ay ang supply ng tubig.

β€œMarami na tayong napagtagumpayan sa Bulacan, pero marami pa rin tayong kailangang tugunan para sa mahihirap at walang trabaho,” - Sen. Villanueva

Kasabay ng pulong, namahagi siya ng mahigit 2,000 food packs sa Baliwag, dumalo sa Tech-Voc Scholar’s Day ng TESDA at PESO sa Guiguinto, at namigay ng 1,000 rain gears at hygiene kits sa mga estudyante sa Marilao.| via Ronalyn Cruz

Sundan ang full video report para sa kabuuang detalye.

30/07/2026

"Solusyon hindi suhestyon"

Yan ang isinisigaw ng mga bulakenyo.

Sasapat nga ba ang panawagan ng bise gobernador, abangan natin sa mga susunod na araw.

30/07/2026

GOV'T CHECKS PINOYS IN JAPAN AFTER 7.1 QUAKE β€” DFA monitors OFWs as tsunami warning lifted in Kyushu. Stay safe!

30/07/2026

30/07/2026

Yan ang naging pahayag ni Vice Governor Alex Castro pagkatapos ng paghaharap sa Sangguniang Panlalawigan kasama ang mga kawani ng DPWH Bulacan District Engineering Office.

Address

164 Sitio Pulo, Sumapang Bata, Malolos City, Bulacan
Malolos
3000

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when I-Connect News posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share