02/09/2026
📢 ANNOUNCEMENT | ₱20/KILO RICE SALE BUKAS! 🌾🍚
Magandang balita po! 💚
Bukas ay muling magkakaroon ng pagbebenta ng bigas sa halagang ₱20.00 kada kilo sa ilalim ng KADIWA ng Pangulo Program.
📅 Petsa: September 3, 2026
Oras: 9:00 AM
💰 Presyo: ₱20.00/kilo
📍 Lugar: MPMPC OSS, Mamburao
Inaanyayahan po ang ating mga kwalipikadong benepisyaryo na makiisa at sumunod sa itinakdang proseso at alituntunin upang maging maayos at organisado ang pagbebenta.
⚠️ MAHALAGANG PAALALA:
LIMITADO lamang po ang available na stocks, kaya ang pagbebenta ay FIRST COME, FIRST SERVED BASIS hanggang sa maubos ang nakalaang supply.
👵👴 Para po sa ating mga Senior Citizens:
Para sa inyong kaligtasan at kaginhawaan, lalo na sa matagal na pagpila, hinihikayat po namin na ipakisuyo na lamang ang pagpila at pagbili sa inyong kapamilya o authorized na kinatawan na may kakayahang pumila, alinsunod sa mga patakaran ng programa.
Hangad po namin na maging maayos, ligtas at patas ang proseso para sa lahat. Hinihingi rin po namin ang inyong pang-unawa at pakikiisa, lalo na dahil limitado ang supply na maaari naming maipamahagi.
Maraming salamat po! 🌾💚
Kita-kits bukas sa MPMPC OSS!