12/08/2026
Sa mga nag memessage po kung may palaro tayo sa november!!
WALA PO!! ππ«°π
Para po sa lahat ng nagtatanong at humihingi ng update, nais po naming linawin na 100% wala po tayong Legal Drag Race ngayong November 2026.
Ginawa po namin ang desisyong ito bilang pagrespeto sa kasalukuyang sitwasyon at sa malaking epekto ng pagtaas ng presyo ng gasolina sa ating bansa. Dahil direktang konektado po ang ating racing activities sa fuel, naniniwala po kami na mas nararapat munang magpahinga at ipagpaliban ang ganitong mga gawain.
Suportado po tayo ng ating LGU, ngunit bilang organizers, nirerespeto rin po natin ang mga kinakaharap na crisis at ang nararapat na hakbang sa kasalukuyang sitwasyon. Alinsunod din po ito sa aming pakikipag-ugnayan at gabay ng ating Attorney-Mayor.
Para naman po sa mga nagtatanong kung bakit wala rin kaming mga recent post o playtest updates tungkol sa ating naging huling Legal Drag Race, iyon din po ang dahilan. Pansamantala muna naming ipinahinga ang page at ang mga racing activities habang hinihintay nating maging mas maayos ang sitwasyon.
Ipagdasal po natin na sa 2027, maging mas maayos na ang kalagayan ng ating bansa at bumaba o maging stable na ang presyo ng gasolina, pati na rin ang mga problemang nakakaapekto rito, kabilang ang mga pandaigdigang tensyon at kaguluhan.
Kapag okay na po ang sitwasyon at maaari na nating ipagpatuloy nang maayos at ligtas ang ating mga gawain, kami po mismo ang magbibigay ng official updates dito sa ating page.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa, suporta, at respeto sa aming desisyon. πβ€οΈ
Mamburao Racing Team π
See you on the track when the time is right. ποΈπ¨