Mystery of the Bible

Mystery of the Bible Hymns and videos that help us to learn and understand God more.

23/02/2026

Tagalog Christian Song | "Ang Pagsapit ng Karamdaman ay Pag-ibig ng Diyos"

I
Ang Makapangyarihang Diyos, ang Pinuno ng lahat ng bagay, ay gumagamit ng Kanyang kapangyarihan bilang hari mula sa Kanyang luklukan. Namumuno Siya sa sansinukob at sa lahat ng bagay, at ginagabayan Niya tayo sa buong daigdig. Maging malapit tayo sa Kanya sa bawat sandali, at lumapit sa Kanya nang tahimik, nang hindi pinalalampas kailanman ni isang sandali, at may mga aral tayong dapat matutunan sa lahat ng oras. Lahat, mula sa nakapalibot na kapaligiran hanggang sa mga tao, usapin, at bagay, ay umiiral sa pahintulot ng Kanyang luklukan. Huwag hayaang magkaroon ng hinaing sa inyong puso sa anumang dahilan, kung hindi ay hindi ipagkakaloob sa iyo ng Diyos ang Kanyang biyaya.

II
Kapag dumapo ang karamdaman, ito ay pagmamahal ng Diyos, at tiyak na ang Kanyang mabuting kalooban ay nakapaloob dito. Bagama't maaaring medyo nahihirapan ang iyong katawan, huwag kang tumanggap ng mga ideya mula kay Satanas. Purihin ang Diyos sa gitna ng iyong karamdaman at tamasahin ang Diyos sa gitna ng iyong papuri. Huwag mawalan ng pag-asa kapag nagkaroon ka ng karamdaman, patuloy na maghanap nang maghanap at huwag susuko, at tatanglawan at bibigyang-liwanag ka ng Diyos. Gaano ba ang pananampalataya ni Job? Ang Makapangyarihang Diyos ay isang manggagamot na makapangyarihan sa lahat! Ang manahan sa karamdaman ay ang magkasakit, subalit ang manahan sa espiritu ay ang gumaling. Hangga't may natitira kang hininga, hindi ka hahayaan ng Diyos na mamatay.

III
Nasa ating kalooban ang muling nabuhay na buhay ni Cristo. Hindi maikakaila na kulang ang ating pananampalataya sa presensya ng Diyos: Nawa'y pagkalooban tayo ng Diyos ng tunay na pananampalataya sa ating kalooban. Tunay ngang matamis ang salita ng Diyos! Ang salita ng Diyos ay mabisang gamot! Ipinapahiya nito ang mga diyablo at si Satanas! Ang pag-unawa sa salita ng Diyos ay nagbibigay sa atin ng suporta. Mabilis na kumikilos ang Kanyang salita para iligtas ang ating puso! Iwinawaksi nito ang lahat ng bagay at pinapayapa ang lahat.

IV
Ang pananampalataya ay parang isang trosong tulay: Yaong mga nakakapit nang mahigpit sa buhay ay mahihirapang tumawid dito, ngunit yaong mga handang isakripisyo ang kanilang sarili ay makakatawid, nang hindi nahuhulog at walang pangamba. Kung ang tao ay nagkikimkim ng mga mahiyain at matatakuting saloobin, iyon ay dahil naloko siya ni Satanas, natatakot na tatawirin natin ang tulay ng pananampalataya upang makapasok sa Diyos. Sinusubukan ni Satanas ang lahat ng posibleng paraan para ipadala sa atin ang mga ideya nito. Dapat nating ipanalangin sa Diyos sa bawat sandali na tanglawan at bigyang-liwanag tayo, umasa sa Diyos sa bawat sandali na alisin ang lason ni Satanas mula sa ating kalooban, magsagawa sa ating espiritu sa bawat sandali kung paano mapalapit sa Diyos, at hayaang magkaroon ang Diyos ng kapamahalaan sa ating buong katauhan.

mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 6

21/02/2026

Tagalog Christian Song | "Ang Kahalagahan ng Pangalan ng Diyos"

Ang pangalan ng Diyos sa bawat panahon
at yugto ng gawain ay may halaga.
Sumasagisag ito ng isang kapanahunan.

Kumakatawan lahat ang Jehova,
Jesus at Mesias sa Espiritu ng Diyos.
Ngunit mga kapanahunan lang
sa pamamahala ng Diyos ang kinakatawan,
hindi ang Kanyang kabuuan.
Mga bansag ng tao sa Diyos ay di sapat
upang ipahayag kabuuan ng disposisyon Niya,
di maihayag kalahatan Niya.
Tanging mga pangalan ng Diyos sa iba’t ibang kapanahunan.
Kaya sa pagdating ng huling kapanahunan,
muling magbabago ang Kanyang pangalan.
Di na Siya tatawaging Jehova, Jesus o Mesias.
Kundi Makapangyarihang Diyos
at sa pangalang ito ay tatapusin Niya ang kapanahunan.

Tinawag Siyang Jehova. Tinawag rin na Mesias.
At sa pag-ibig
at galang ng tao tinawag Siyang Jesus ang Tagapagligtas.
Ang Diyos ngayo’y di na Jehova o Jesus
na nakilala sa nakaraan.
Siya ang nagbalik na Diyos sa mga huling araw,
ang Diyos na tatapos sa kapanahunang ito.
Puspos ng Kanyang buong disposisyon,
awtoridad, dangal at luwalhati.
Siya ang Mismong Diyos na umaangat sa mga dulo ng lupa.

Mga bansa’y mapagpapala sa wakas,
mapagpapala at dudurugin ng mga salita ng Diyos.
Makikita sa mga huling araw
na nagbalik na ang Tagapagligtas na Diyos.
Ang Makapangyarihang Diyos
na lumulupig sa buong sangkatauhan.
Ipapakita Niyang minsan Siyang inalay
para sa kasalanan ng sangkatauhan.
Ngunit sa mga huling araw
Siya ang apoy ng araw na tumutupok sa lahat,
ang araw ng katuwiran na nagbubunyag sa lahat.
Ito ang gawain ng Diyos sa mga huling araw.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

21/02/2026

Tagalog Christian Song | "Ang Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ay Ganap na Nagligtas sa Tao"

I
Ang anim na libong taong gawain ng Diyos ay nahahati sa tatlong yugto:
Kapanahunan ng Kautusan, ng Biyaya,
at ng Kaharian.
Lahat ay para iligtas ang tiwaling mga tao at labanan si Satanas,
kapwa nahahati sa tatlong yugto ng gawain.

Itong pakikipaglaban kay Satanas ay para sa kaligtasan ng tao,
'di kayang magtagumpay sa isang yugto, kaya't ang laban ay nasa mga yugto.
Ang pakikipagdigma kay Satanas ay ayon sa pangangailangan ng tao
at sa lawak ng pagtiwali ni Satanas.

Ang gawain sa pagliligtas ng tao'y nahahati sa tatlong yugto,
gayundin ang pakikipagdigma kay Satanas.
Ngunit ang resulta ng laban
ay galing sa pagbibiyaya sa tao,
pagiging handog sa kasalanan, paglupig at pagpeperpekto sa tao.

II
'Di armas ang gamit ng Diyos laban kay Satanas,
bagkus gumagawa sa buhay ng tao't nagliligtas,
binabago'ng disposisyon ng tao upang sila'y makapagpatotoo sa Kanya.
At ganito magagapi at mapapahiya si Satanas.
Kapag ito'y naigapos na, maliligtas na ang tao.

Ang diwa ng kaligtasan ng tao ay ang pakikipaglaban kay Satanas,
ang laban na pinakita sa pagliligtas ng tao.
Ang yugto ng mga huling araw kung kailan tao'y malulupig
ay ang huling yugto ng digmaan,
ganap na nililigtas ang tao mula kay Satanas.

Kapag tao'y napalaya sa kamay ni Satanas, si Satanas ay mapapahiya.
Ang tao ay mababawi, si Satanas ay magagapi.
Ang tao'y magiging mga samsam at si Satanas ay parurusahan.
Ang gawain ng pagliligtas sa tao ay ganap na matutupad.

Ang gawain sa pagliligtas ng tao'y nahahati sa tatlong yugto,
gayundin ang pakikipagdigma kay Satanas.
Ngunit ang resulta ng laban
ay galing sa pagbibiyaya sa tao,
pagiging handog sa kasalanan, paglupig at pagpeperpekto sa tao,
paglupig at pagpeperpekto sa tao, paglupig at pagpeperpekto sa tao.

Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan

13/01/2026

Ang pagiging mabuti ba ay katumbas ng tunay na pagbabago ng disposisyon o ng puso. Nangangahulugan ba ng pagbabago sa panlabas na pag-uugali tulad ng pagiging matiisin pagiging matiyaga sa pag-gawa sa tungkulin para sa Diyos at hindi pagrereklamo ay tunay pagbabago sa ating mga sarili. Halika't manood at alamin kung ano ba ang tunay na pagbabago at tunay na pagsisi.

Mula sa Talaga bang nagsisi ka na?

03/01/2026

Gusto mo ba tuklasin kung anong gawain ng pagliligtas ng Diyos ang Kanyang ginagawa?Halika't manood sa katotohanan ng anim na libong taong plano ng pamamahala ng Diyos. Tayo'y manood at sama samang alamin ang tatlong yugto ng Gawain ng Diyos.

Maaaring mag comment at magbahagi ng inyong pagkakaunawa. 🥳🥳🙏🙏

30/12/2025

Tagalog Christian Song With Lyrics | "Ang Awtoridad at Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao ng Diyos"

I
Ang nakamit na ng tao ngayon—
tayog, kaalaman, pag-ibig, at katapatan, pagkamasunurin ng tao,
at lahat ng nakikita ng tao
ay nanggagaling sa paghatol ng salita.
Dahil dito tao'y kita ang kamangha-manghang gawain ng Diyos:
Siya'y gumagawa ng labis na tao'y 'di kayang makamit;
malalaking misteryo at kababalaghan.
Samakatuwid marami ang nagpasakop na.
Walang makahihigit sa paghatol ng Kanyang salita,
at walang kadiliman ang nangingibabaw sa awtoridad Niya.
Tao'y nagpapasakop dahil sa Kanyang pagkakatawang-tao't awtoridad,
at paghatol ng Kanyang salita.

II
Yaong 'di kailanman nagpasakop ay lumuluhod sa Diyos
'pag hinarap ng Kanyang salita.
Sila ay yumuyuko sa paghatol ng Kanyang salita,
'di kailanman nagsisiyasat o humahatol gamit ang kanilang dila.
Katawang-tao ng Diyos ay lumalantad na parang Siya ay karaniwan,
ngunit salita Niya'y 'pinapakita ito sa tao:
Siya'y puno ng awtoridad at Siya ang Diyos Mismo,
mga salita Niya ang pagpapahayag ng Diyos Mismo.
Walang maaaring magkasala sa Kanya,
Siya ay katawang-taong Diyos.

III
Inihahatid ng nagkatawang-taong Diyos ang salita Niya,
upang marinig at matanggap ng lahat ang Kanyang paghatol.
Diyos ay 'di nag-aanyong Espiritu upang takutin ang tao na magpasakop.
Tunay na disposisyon ng tao, kahit naitagong malalim,
ay nabubunyag nitong totoo't pambihirang gawain,
upang tao ay maaaring makilala at mabago ito.
Paghatol ng Diyos ay praktikal at inihahatid gamit ang salita.

IV
Ito ang awtoridad at kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos.
Walang makahihigit sa paghatol ng Kanyang salita at walang kadiliman
ang nangingibabaw sa awtoridad Niya.
Tao'y nagpapasakop dahil sa Kanyang pagkakatawang-tao't awtoridad,
at paghatol ng Kanyang salita.
Ang gawaing dala ng katawang-taong laman Niya'y awtoridad na tinataglay Niya.

mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

29/12/2025

Tagalog Christian Song | "Ang Layunin ng Pagkakatawang-tao ng Diyos sa mga Huling Araw"

Sa mga huling araw, ang Diyos ay naging tao
para gawin ang gawaing dapat Niyang gawin,
at gampanan ang Kanyang ministeryo ng salita.
Personal Siyang gumagawa sa piling ng tao,
dahil mithiin Niyang gawin silang perpekto
ang lahat ng kaayon ng Kanyang puso.
Mula sa paglikha hanggang ngayon,
nitong mga huling araw lang
nagkatawang-tao ang Diyos para gawin
ang napakalawak na gawain.
Pinagdurusahan Niya ang di matiis ng tao,
ngunit gawain Niya’y hindi naaantala kailanman,
kahit mapagkumbaba Siyang naging ordinaryong tao.
Nagkatawang-tao ang Diyos para lupigin ang mga tao
at mga minamahal Niya’y gawing perpekto.
Nais Niyang makita ng sarili Niyang mga mata
ang mga taong ginagawa Niyang perpekto.
Nais Niyang makita Mismo,
na magpatotoo ang mga taong ginagawa Niyang perpekto.

Kahit dakilang Diyos ay naging tao,
Kanyang plano kailanman ay hindi nalilito.
Siya’y gumagawa ayon sa Kanyang plano.
Hindi lang isa o dalawa ang naperpekto,
ngunit iilan lang sila sa grupong ito.
Sila ay mula sa iba’t ibang bansa sa mundo.
Mithiin ng maraming gawaing ito
na matamo ang grupong ito,
at ang patotoo sa Kanya ng mga taong ito.
Mithiin ng maraming gawaing ito
na gawing perpekto ang mga pinili
at kaluwalhatian ay matamo
sa pamamagitan ng iilang taong ito.
Nagkatawang-tao ang Diyos para lupigin ang mga tao
at mga minamahal Niya’y gawing perpekto.
Nais Niyang makita ng sarili Niyang mga mata
ang mga taong ginagawa Niyang perpekto.
Nais Niyang makita Mismo,
na magpatotoo ang mga taong ginagawa Niyang perpekto.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Address

Cordillera
Manila
1016

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mystery of the Bible posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share