01/06/2020
SA LAHAT PO NG MGA NAG-CANCEL AT MAGCACANCEL NG ORDERS:
ANG 1-2 WEEKS PROCESS, MAGSISIMULA KAPAG NAGCUT-OFF NA PO KAMI. HUWAG PO NATIN BILANGIN SA KUNG KAILAN KAYO NAGBAYAD.
Una pa lang, sinabihan na namin kayo about sa process ni G21. Umo-oo kayo at tinuloy orders niyo. Sinama namin sa list namin ang orders niyo dahil sinabi niyo sa amin na sure buyer kayo at willing to wait kayo. Pero anong ginagawa niyo ngayon? Sinasabi niyo samin na "Bakit yung sa isa, may stocks na?", "Bakit dun kay ano makukuha agad?", hindi po kami pare-parehas ng mga PD. Maaaring may onhand sila o ALIEN sila. Edi sana kung alam niyong meron pala sa kabila, dun na lang kayo kumuha. Kinausap namin kayo ng maayos kaya sana naman po maging maayos naman kayong kausap.
Pangalawa, wala kaming magagawa kung mabagal ang process ni G21 ngayon. Bakit? Girl, naka-quarantine tayo. Kahit umiyak ng dugo ang CEO natin, wala tayong magagawa kung mismong manufacture ang delay. Nagmamadali kayo pero kapag binigay sa inyo ng walang box, or ibang packaging yung orders niyo, naghihimutok kayo. Sana okay lang po kayo!!
Pangatlo, magkaroon naman kayo ng konsiderasyon. Pinagkatiwalaan namin kayo at pumayag sa COD basis kaya sana naman pagkatiwaalan niyo rin ho kami. Miski kaming mga distributors at resellers, wala kaming maibibigay na stocks sa inyo. Nag-oonhand po kami at sa totoo lang, hindi tumatagal samin dahil ganon kabilis mabenta ang mga products ni G21.
Nakikipag-usap kami ng maayos sa inyo. Kulang na lang magmakaawa kami para hindi i-cancel orders niyo pero una pa lang, kayo naman po ang nag-chat at nag order samin. Wala din po kayong karapatan na pagsalitaan kami ng masasama at kulang na lang ilampaso pagkatao namin dahil sabi ko nga kayo ang unang nakipagusap samin. Hindi lang po kayo ang mga buyer. Sa mga buyers na libo ang orders, wala kaming naririnig sa kanila. Mas naiiintindihan pa nila kaya wag naman po sana mataas ang tingin niyo sa sarili niyo. Lalo na kung 160-500 lang naman ang orders niyo.
Pasensyahan na lang po sa lahat ng mambobogus sakin at sa mga resellers ko ha?
Ingat kayong lahat! Happy selling❤
©