USF Confession

Directions Website

USF Confession Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from USF Confession, Manila.

05/08/2026

“BREAK NA KAMI, PERO PINUPUNTAHAN PA RIN AKO NI EX TUWING MADALANG ARAW…”

Hi! Gusto ko lang i-share itong sistema namin now ng ex ko. Nag-break kami for personal reasons, we both agreed naman sa desisyon ng breakup namin and wala namang third party or selosan na naganap.

Sadyang nagkanda sabay-sabay lang mga problema namin at napuno na sa isa't isa. Siya nakipag-break (FYI), pero nung araw na nag-break kami ay nag-*thing* pa kami nun kasi akala namin forda last time na. Haha!

Tapos after 2 days ng breakup namin, nagulat ako, 1 am na tapos may biglang humawak sa mukha ko, si ex pala. Sabi niya di raw niya kayang hindi niya ako nakikita. Sksksksks, eneberrrr!

So ayun, may *thing* na naman nun. Hahaha! And then lumipas ulit mga araw, pag sa tuwing pupunta siya dito ng madaling araw, it's either may *thing* or maglalambingan lang kami.

Natatak0t ako kasi baka makampante kaming dalawa na okay lang pala na hiwalay kami kasi parang ginagawa pa rin naman namin yung mga bagay na ginagawa namin nung kami pa.

Haysst, any advice? Nag-promise naman kami sa isa't isa na wait muna namin na mag-grow kami separately muna tsaka kami magbabalikan. Huhu!

Gulong-gulo na talaga ako, kasi gusto ko rin naman at nalulumbay ako sa tuwing na-mi-miss ko siya.

Beshy mong nalulumbay
20**
*Confidential

03/08/2026

“NAG-SE-SAVE NA AKO FOR OUR WEDDING, TODO KAYOD PA NAMAN AKO SA BARKO, KASO…”

Sobrang excited ko sa darating na holiday non kasi may surpise ako sa gf ko. LDR pala kami ng gf ko kasi seaman ang work ko. Ngayon lang ako nakapagbayad ng utang kaya ngayon lang ako nagkaroon ng chance na mabigyan siya ng bonggang gift. Kaka-promote ko lang kasi, e.

Matagal na palang finish contract ako pero nag-re-request palagi ako ng extension kasi alipin ako ng salapi. Supposedly nung November pa dapat ako nakauwi pero sabi ko sa sarili ko mag-sacrifice ako kahit hindi ako makapag-Pasko at Bagong Taon basta may pera.

So ayun kahit nahihirapan na ako, ang saya pa rin sa pakiramdam na nakakapagbigay ako sa parents ko at nabibili ko mga luho ni gf. Pero ngayon nagsisisi ako, dapat umuwi na lang pala ako. Kasi ngayon ay wala na akong uuwian. Yung 3 years na relationship namin, napunta sa wala. Ngayong gabi masaya na siya nakikipag-invman kasama ang ka-work niya. Nag-$leep0ver na siya dun.

Any tips paano mag-move on? Sobrang hir@p na kasi ako. Buti siya may friends siya na nakakausap kaya na-ko-comfort siya, ako wala man lang ako makausap kasi nahihiya ako maglabas ng sama ng loob sa mga friends ko. Like, sobrang pinagmamalaki ko siya, alam na nga ng friends ko na papakasalan ko yun, e. Nag-iipon na rin ako for our wedding, kaso di niya na nahintay.

Pero wala na. So sad talaga. Salamat sa pakikinig, medyo gumaan loob ko nung nag-type ako. Iiyak tapos mag-wo-work ulit.

Sadboiii ng Antipz
20**
*Confidential

02/08/2026

“7 YEARS LATER, I WENT TO CHURCH AND PRAYED NA SANA BIGYAN AKO NG COURAGE TO TELL THE TRUTH SA NAGING BF KO…”

Hello, just call me Ae (not my real name), 26F, currently working in Taiwan (OFW). This story is all about my first love, first boyfriend, and first heartbreak. In short, first in everything. I met him when we were in first year college. Classmates kami, and then we started becoming friends for years until we decided to become a couple.

Everything was right and happy. Legal kami sa both sides. Okay kami, everything was smooth. We graduated together and both had work. Kevin (not his real name) is a green flag guy. Masasabi ko talaga that time na sana siya na talaga in the future. But everything went upside down. Nabuntis niya ako at a young age. Oo, nasasabi ko na sana siya na in the future, but not that soon.

7 weeks pregnant na ako tsaka ko lang nalaman na buntis pala ako. Hindi pa ako ready that time kasi ako lang din ang inaasahan ng pamilya ko. I was so scared sa oras na yun. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, kaya hindi ko muna sinabi sa kaniya na buntis ako. Natatakot ako kasi ang bata pa namin noon. Hanggang sa na-stress ako kasi hindi ko alam paano ko sasabihin sa kaniya.

When I was ready to tell him, suddenly, my baby c0u|dn't make it. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko that time. Nang dahil siguro sa stressed ako. To be honest, naging ma$aya ako kasi hindi pa talaga ako ready. Ang s4ma kong tao, di ba? But at the same time, sobrang sakit kasi b4by ko yun.

So I decided not to tell him the truth. The next thing I did was break up with him kasi natatakot ako baka pag nalaman niya, sisihin niya ako sa pagkawala ng b4by namin. Sinabi ko na lang sa kaniya na ayaw na ng parents ko sa kaniya. I blocked him on all my social media accounts.

That day was the w0rst day ever in my entire life. Imagine, I l0st my b4by, and at the same time, I lost my other half. Ang hirap bumangon. Ang hirap, to the point na gusto ko matulog na lang buong araw. Ayaw ko na magtrabaho, ayaw kong lumabas ng bahay, ayaw ko nang gumising sa umaga.

Walang nakakaalam noon, even my close friends and my family. That's why I decided to go abroad, and that's the reason why I'm here in Taiwan.

Then 7 years later, one of my best friends got pregnant. Nainggit ako kasi meron na rin dapat akong baby ngayon. Kung naging ready lang ako that time, di ako na-stress, edi sana malaki na siya ngayon. The next day, pumunta ako ng church and prayed. I prayed na sana bigyan Niya ako ng courage to tell the truth.

When I got home from church, I chatted my BFFs to tell them the whole story kung bakit kami naghiwalay ni Kevin. I even asked them if I needed to tell him the truth or not, but they said yes because Kevin needed to know the truth. May right siyang malaman ang totoo kasi siya yung tatay ng anak ko.

So I decided to chat him. Sa personal ko sana sasabihin ito, pero hindi ko alam kung magkikita pa ba kami ulit. Na-message ko siya. And now, I can finally say I am free. Makakausad na ako nang walang iniisip sa nakaraan.

Ang sarap sa feeling na masabi mo yung mga hindi mo masabi-sabi sa loob ng ilang taon at makahingi ng tawad sa taong nasaktan ko in the past. 7 years ko ring dala-dala yung bigat na yun.

To my b4by out there, I'm so sorry if mommy was not ready that time. Sorry kasi na-stress ako at hindi mo yun na/k4/y4/nan. And sorry kasi umabot pa ng 7 years bago pa kita naipakilala sa daddy mo. B4by, finally, daddy knows the truth that you existed in our lives. I love you always, and remember that I will never forget you.

And to you, Kevin, I know masaya ka na ngayon. Nahanap mo na yung magiging partner mo in life. Masaya ako sa inyo, totoo yan. Actually, all these years, I still loved you, but it's already too late. Papalayain na kita sa buhay ko for my own sake and for my future. You're my first in everything. Maybe we loved each other at the wrong time.

Pinapalaya na kita, at kasabay nun ang pagpapalaya ko sa sarili ko. Hanggang sa muli, my love. After 7 years, I'm finally free.

Ae
****
BSIT Graduate
PLMun

01/08/2026

"NA-BO-BORE NA AKO SA WIFE KO FOR 15 YEARS…"

I’m Juan, 40M. Masasabi kong malayo-layo na ang narating ko sa buhay dahil from working student noong college, ngayon nakatira na ako sa sarili naming bahay, may mga condo na pinapaupahan, couple of cars, tapos lupa as investment (not bragging, for context lang para lalo n'yong maintindihan ang sitwasyon ko).

Married ako for 15 years na, at happy ako sa misis ko. Siyempre mahal ko yon, pero hindi kami biniyayaan ng biological children, pero may a/d0p/t€d kami. Dumaan pala kami sa maraming clinical procedures bago kami nag-decide na mag-am/p0n. Twice kaming nag-IVF pero both failed. Grabe ang financial burden and stress every time na malalaman namin na failure iyong IVF. Naawa na rin ako sa misis ko dahil nakikita ko kung gaano kahirap ang mga pinagdaanan niya, kaya tinanggap na namin na baka sa ibang way ang will ni Lord.

Masaya noong una kasi siyempre ginusto namin yon, pero habang tumatagal hindi nawawala sa isip ko na longing pa rin ako sa galing mismo sa bl00d ko. Dahil minsan na-bo-bore ako sa life, nagawa kong makipag-chat sa isang online app. Pero sa tuwing nakikita ko ang anak namin na sobrang sweet at happy, doon ko naiisip na hindi ko pala kayang iwan at pabayaan na lumaki na walang tatay ang anak ko. Kasi unang-una, choice namin na kunin siya para magkaroon siya ng masayang pamilya na mag-aaruga sa kaniya.

Iyon bang nararamdaman ko is valid? Midlife crisis ba ito? Kasi na-bo-bore na ako sa asawa ko. Parang simula noong nagkaroon kami ng anak, parang nawala na ang sweetness niya. Para bang sa bata na lang nakatuon ang lahat. Independent woman ang asawa ko. Maganda ang profession niya. Kayang-kaya niyang buhayin ang anak namin kahit wala ako. Advice, please. May mga nakakausap na akong possible na $urr0g@te m0th€r.

Mister
2004
BSCE
*Confidential

“HE GOT MARRIED, PERO CONTINUES PA RIN KAMI…”Just call me Rose, 28F. Way back 2023, nag-post ako ng sad hugot quotes sa ...
29/07/2026

“HE GOT MARRIED, PERO CONTINUES PA RIN KAMI…”

Just call me Rose, 28F. Way back 2023, nag-post ako ng sad hugot quotes sa IG story ko. Dahil dito, nakilala ko si J, 31M. He messaged me and cheered me up, so naging friends kami. Pero that time, engaged na siya sa gf niya.

Just a year after, he got married, pero continues pa rin yung…

[Read the continuation in the comment section… 👇🏻]

“'DI NA YATA CRUSH LANG ANG NARARAMDAMAN KO SA HUBBY NG ATE KO…”Hello, I just wanted to share what I did with my sister....
28/07/2026

“'DI NA YATA CRUSH LANG ANG NARARAMDAMAN KO SA HUBBY NG ATE KO…”

Hello, I just wanted to share what I did with my sister. Ako si Halley, 23 years old. I was searching for pages and I saw this, so I immediately followed. Isa akong Half Filipina and Half American, yung ate ko pure Filipina.

Dito ako pinanganak sa Pilipinas, but I studied in America. Dalawa lang kaming magkakapatid, ako ang bunso. I'll start my story. May asawa si Ate Cha, si Kuya Clark, and honestly, we're both close since they were just dating. Lagi akong binibigyan ng…

[Read the continuation in the comment section… 👇🏻]

“UMAALIS-ALIS ANG ASAWA NIYA, AT ALAM NIYANG PUMUPUNTA ‘YON SA K@/B!T NIYA...”Hi, I know this is not my story to tell, b...
27/07/2026

“UMAALIS-ALIS ANG ASAWA NIYA, AT ALAM NIYANG PUMUPUNTA ‘YON SA K@/B!T NIYA...”

Hi, I know this is not my story to tell, but I can't help but let it out kasi gusto kong ipagtanggol yung friend namin. Quadro kami, and we treat each other as sisters. We have this friend na grabe yung pinagdaanan niya back when we were in college because of a guy.

Until she met this guy who saved her from her tr4um4s. We thought matino siya because he knows she…

[Read the continuation in the comment section… 👇🏻]

“MAY NAGAWA AKO DAHIL WALA AKONG PANGGASTOS SA ENROLLMENT…”Pagpasensiyahan n'yo na kung hindi pa ako masyadong sanay mag...
27/07/2026

“MAY NAGAWA AKO DAHIL WALA AKONG PANGGASTOS SA ENROLLMENT…”

Pagpasensiyahan n'yo na kung hindi pa ako masyadong sanay magkuwento, medyo magulo. May kuwento ako. Pito kaming magkakapatid. Papa ko ay kasama namin dito sa bahay, yung mama ko nagtatrabaho sa Maynila.

Mag-fi-first year college pa lang ako. Kaka-18 ko lang ngayon year. Ang mga kapatid ko lang ang pinapadalhan ng…

[Read the continuation in the comment section… 👇🏻]

24/07/2026

"DALAWANG GABI BAGO ANG KASAL, MAY INAMIN SA AKIN ANG MAPAPANGASAWA KO…" 💔💔💔

Address

Manila
1000

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when USF Confession posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share