29/08/2026
THANK YOU, LORD ✨
Another small milestone for us!
MEET BUKNOY! 🏍️
Nakapag-invest na kami ng sarili naming motor, kaya hindi na namin kailangang makihiram para sa mga events namin. Kasabay nito, nakapag-invest din kami ng bagong arch panels na magagamit pa namin sa marami pang future events.
Maraming salamat kina Papa at Mama na walang sawang sumuporta at nagpahiram ng motor sa mga biyahe namin. Kay Nanay, sa pagtulong at pagbabantay sa aming munting anghel habang nagtatrabaho kami. 🤎
At higit sa lahat, maraming-maraming salamat sa lahat ng naging clients namin. 🥹🫶🏻
Sa bawat booking, recommendation, at tiwala ninyo sa B&J Event and Party Needs, unti-unti kaming nakakapundar at nakakapagpalago ng aming maliit na negosyo.
Hindi man malaki, bawat milestone ay malaking bagay para sa amin.
Unti-unti, pero umaabante.
Salamat sa inyong lahat! 🥹✨
More celebrations, more memories, and more milestones with B&J!