25/08/2026
Sino ang hindi pa nagkakaroon nito diyan sa inyo? Available on hand.
ANG MUDD
Sa mga nagtatanong kung ano ang Mudd?! Narito ang Mudd, o Al Mudd An-Nabawi.
Ang Mudd Nabawi ay Historical Islamic Measurment na may natatanging sukat at desinyo, ito ang ginagamit ng Propeta (pbuh).
Just as we have litres, gallons and other containers to measure volume, the Mudd were used in the era of the Prophet Muhammad (pbuh).
It comes with official and authentic certificate so you trace it down to a chain mentioning names of those to whom it has been passed through generations, verifying its authenticity.
Ang Mudd ay ginagamit ng Propeta (pbuh) sa:
1. Pagsasagawa ng Wudhou'. Isang Mudd ng tubig ang nagagamit ng Propeta (pbuh) sa pagsasagawa ng Wudhou', at apat na Mudd naman sa pagligo.
Note: Ang apat na Mudd ay katumbas ng isang Sa'.
2. Ito rin ang ginagamit sa pagbibigay ng Zakatul Fitr. Apat na Mudd na pagkain (Rice, Dates, etc) para sa bawat Muslim.
3. Ito rin ang ginagamit sa pagsukat ng Kaffarãt sa pagsumpa.
Halimbawa: Ang isang Muslim ay sumumpa na mayroon siyang gagawin, ngunet hindi niya ito nagawa.
Ang kailangan niyang gawin upang hindi magkasala ay magpapakain ng sampong mahirap, magbibigay siya ng tagdadalawang Mudd na pagkain para sa bawat isa sa kanila.
Kung wala siyang maipapakain dahil isa rin siyang mahirap, mag-aayuno siya ng tatlong araw.
4. Gayon din sa Fidyah sa pag-aayuno.
Kung ang isang Muslim ay maykatandaan na o may malubhang sakit na walang lunas, maaaring hindi siya mag ayuno, ngunet kailangan niyang magbigay ng Fidya kapalit ng bawat araw na hindi niya napag-ayunuhan.
Dalawang Mudd para sa bawat araw.
5. Maaari din ito gamitin sa pagsukat ng Zakat ng mga bunga ng mga pananim, tulad ng palay at mais.
Ang kahalagahan ng Mudd:
Una: Ito ay Sunnah ng Propeta (pbuh) na dapat nating tularan, at nakakalungkot na karamihan sa mga Muslim sa panahong ito ay hindi alam ang tungkol dito.
Pangalawa: Ipinag-du'a ng Propeta (pbuh) na gawaran ng biyaya at Baraka ang sinumang gumagamit nito.
Kanyang sinabi:
"اللهم بارك لنا في صاعنا وفي مدنا." رواه البخاري.
"O Allah, gawaran mo ng biyaya (Barakah) ang aming Sa' at Mudd." [Isinalaysay ni Imam Bukhari].
Isapa; paano mo maisasagawa ng tama ang mga nabanggit na alituntunin sa itaas kung wala kang Mudd Nabawi?!
Gusto mo magkaroon ng Mudd? Mag inquire ka sa Jr's Collections , kung papalarin kang maka avail nito ay may kasama pang Shahadat Ijaza o diplomang nagpapatunay ng pagka legit nito, ito mismo ang sukat at desinyo na ginamit sa panahon ng Propeta (pbuh).
✍️ Dr. Muhd-ata Abdulkarim