06/08/2026
Rene Baterbonia, bayani nga ba?
Sa senado, sinabi ni Senator Joel Villanueva,
"Ang ating bagong bayani, Bobet Baterbonia."
Isa ring basketball fan at basketball player si Sen. Joel, kaya marami ang naantig sa kanyang naging pahayag.
Para sa maraming basketball fans bayani si Rene. Hindi lang dahil sa husay niya sa basketball, kundi dahil sa pangarap niyang iahon ang kanyang pamilya sa kahirapan at sa inspirasyong iniwan niya sa maraming Pilipino.
Ikaw sang-ayon ka ba sa sinabi ni Sen. Joel?
Bayani nga ba si Rene Baterbonia?