17/08/2026
📢 Important Shipment Advisory
Mahal naming customers,
Dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng Habagat, may ilang bahagi ng Marikina na kasalukuyang binabaha. Para maiwasang ma-stranded o masira ang inyong mga items habang nasa biyahe, maaaring magkaroon ng kaunting delay sa processing at delivery ng shipments.
Pansamantala naming uunahin ang kaligtasan ng inyong mga orders. Makakaasa po kayo na ipagpapatuloy agad namin ang pagpapadala kapag ligtas at maayos na ang kondisyon ng mga kalsada at panahon.
Humihingi po kami ng inyong pang-unawa at pasensya. Patuloy kaming magbibigay ng updates tungkol sa status ng inyong shipments.
Maraming salamat, at manatiling ligtas po tayong lahat! 🙏🌧️