12/06/2026
๐๐ง๐ ๐ฅ๐ข๐ฐ๐๐ง๐๐ ๐ง๐ ๐ค๐๐ฅ๐๐ฒ๐๐๐ง ๐ง๐จ๐จ๐ง ๐๐ง๐ ๐ญ๐๐ง๐ ๐ฅ๐๐ฐ ๐ง๐ ๐ค๐ข๐ง๐๐๐ฎ๐ค๐๐ฌ๐๐ง ๐ง๐๐ญ๐ข๐ง ๐ง๐ ๐๐ฒ๐จ๐ง. ๐ต๐ญ
Noong Hunyo 12, 1898, matapos ang mga dekadang pakikibaka upang mabawi ang karapatang tunay na para sa bayan, ipinahayag ang kalayaan ng Pilipinas. Sa araw na iyon, unang iwinagayway ang watawat ng Pilipinas at unang umalingawngaw sa publiko ang himig ng ating pambansang awit. Bagaman wala pang mga liriko noon, sapat na ang musika upang ipadama ang isang damdaming hindi kayang tumbasan ng anumang salita: "ang saya ng pagiging malaya".
Tulad ng isang sulo na ipinasa mula sa henerasyon hanggang henerasyon, ang apoy ng kalayaan ay hindi namatay matapos ang tagumpay ng ating mga ninuno. Patuloy itong nagliliwanag at gumagabay sa atin hanggang sa kasalukuyan.
Bilang parte ng bagong henerasyon, kaisa ang ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป ๐๐ ๐ข๐ป๐ฒ (๐๐ฎ๐ฏ-๐ญ) sa tagapagpaalala na nasa ating mga kamay ang pagpapanatili ng tunay na kalayaan. Sapagkat ang kalayaan ay hindi lamang kawalan ng dayuhang umaalipin sa atin, ito rin ay pagkakaroon ng isang lipunang pinaghaharian ng hustisya, pagkakapantay-pantay, at tapat na paglilingkod. Naniniwala kami na ang tunay na yaman at tagumpay ng isang bayan ay nasusukat sa kung paano naiaangat ang buhay ng bawat mamamayan at pamayanan.
Sa pagkakataong ito, sa paggunita natin ng Araw ng Kalayaan, na opisyal na ginugunita tuwing Hunyo 12 mula 1962, nawa'y hindi lamang natin balikan ang nakaraan. Nawa'y maging paalala rin ito na ang mga sakripisyo noon ang pundasyon ng ating kasalukuyan, at ang mga pagkilos natin ngayon ang huhubog sa kinabukasan.
๐๐ช๐ก๐ ๐จ๐ ๐ฃ๐๐ ๐๐ง๐๐๐ฃ, ๐ฉ๐ช๐ฃ๐๐ค ๐จ๐ ๐ ๐๐จ๐๐ก๐ช๐ ๐ช๐ฎ๐๐ฃ, ๐ฅ๐๐ง๐ ๐จ๐ ๐๐๐ฃ๐๐๐๐ง๐๐ฅโ๐๐ฅ๐๐๐ฅ๐๐ฉ๐ช๐ก๐ค๐ฎ ๐ฃ๐๐ฉ๐๐ฃ ๐๐ฃ๐ ๐๐ฅ๐ค๐ฎ ๐ฃ๐ ๐ ๐๐ก๐๐ฎ๐๐๐ฃ.
๐ต๐ญ๐