29/04/2026
🫣
𝑯𝒆𝒓𝒆 𝒕𝒉𝒆 𝑺𝑵𝑬𝑨𝑲 𝑷𝑬𝑬𝑲 𝒇𝒐𝒓 𝑺𝑷𝑬𝑪𝑰𝑨𝑳 𝑪𝑯𝑨𝑷𝑻𝑬𝑹 𝒐𝒇 𝑮𝑶𝑳𝑫𝑬𝑵 𝑺𝑪𝑬𝑵𝑬𝑹𝒀 𝑶𝑭 𝑻𝑶𝑴𝑶𝑹𝑹𝑶𝑾 °❀⋆.ೃ࿔*:・
𝐔𝐧𝐢𝐯𝐞𝐫𝐬𝐢𝐭𝐲 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝟓: 𝐆𝐨𝐥𝐝𝐞𝐧 𝐒𝐜𝐞𝐧𝐞𝐫𝐲 𝐨𝐟 𝐓𝐨𝐦𝐨𝐫𝐫𝐨𝐰 𝐛𝐲 𝟒𝐫𝐞𝐮𝐦𝐢𝐧𝐜𝐭
Grab your copies here: https://s.shopee.ph/9KdPLMdras
𝑨𝒅𝒗𝒂𝒏𝒄𝒆 𝑺𝒆𝒍𝒍𝒊𝒏𝒈 𝑷𝒆𝒓𝒊𝒐𝒅: January 26, 2026 to April 30, 2026
𝑹𝒆𝒍𝒆𝒂𝒔𝒆 𝑫𝒂𝒕𝒆: July 2026
𝑉𝐼𝐴
JUST IN: Larkin Sanchez Professes Love in Public
Larkin Sanchez Reveals His Girlfriend During Concert
EXCLUSIVE: Larkin Sanchez and Avianna Diaz,
Friends-to-Lovers Story
“ANO BA `TO, NAKAKAHIYA NAMAN!” TINAKPAN KO
ang gilid ng mukha ko habang binabasa sa akin ni Luna ang mga articles na
nakita niya. Tatlong araw pa lang ang nakakalipas pagkatapos ng concert
ni Arkin, parang sobrang nagbago ang buhay ko.
“Iyon `yong girlfriend ni Arkin Sanchez…” narinig kong bulong ng
isang babae sa katabing table namin. “Architect daw `yan… Taga-Spain.”
Ibinaba ko tuloy ang sombrero ko at umiwas ng tingin para hindi na
nila masilayan ang mukha ko. Tawa nang tawa sina Luna at Kierra sa harap
ko habang todo scroll sila sa phone. Siguro ay dalawa na ang nagtanong
sa akin ngayong araw kung puwede bang magpa-picture pero lahat ay
tinanggihan ko. Maiintindihan naman siguro nila `yon dahil hindi ako taga-showbiz. Normal na mamamayan lang naman ako kaya ayaw
kong nakikita ang mukha ko kung saan-saan.
“Hala, saan nila nakita `to? Ang cute-cute n’yo!” Ipinakita sa akin ni
Kierra ang picture namin ni Kino noong high school. Field trip iyon `tapos
nag-selfie kami sa sunset.
“Pinost ni Kino `yan kahapon.” Napairap ako. “Masyado siyang naexcite
dahil hindi na namin kailangang magtago, kaya `ayan. Ang dami
niyang pakulo.”
“Loving you loudly nga, eh. Sana all,” nakangiting sabi ni Luna habang
todo scroll pa rin sa phone niya. “Kailan pala balik mo sa Spain?”
“In two days. Sa wakas, makakabalik na ako sa tahimik kong buhay…”
Tumingin ako sa paligid at nagtama ang tingin namin ng babae sa kabilang
table. Umiwas ulit ako ng tingin.
Tumingin ako sa phone ko nang makitang tumatawag si Kino. Sinagot
ko kaagad `yon habang abala sina Luna at Kierra na nag-uusap naman
ngayon tungkol sa trabaho.
“Hello?” sagot ko. “Napatawag ka?”
“Wala man lang ka-sweet-an sa pagsagot,” reklamo kaagad ni Kino sa
kabilang linya. Napasapo ako sa noo ko. Nai-imagine ko na ang hitsura
niya ngayong nagtatampo.
“Paano pala?”
“Hello, mahal? Napatawag ka? Miss mo ako, `no?” Ginaya pa niya
ang boses ko.
“Yak—” Pinigilan ko kaagad ang sarili ko nang ma-realize kung
ano’ng sasabihin ko. Nasanay na kasi akong wala akong boyfriend. Parang
automatic na sa sistema ko na ganoon ang sabihin kapag nakakarinig ako
ng sweet.
“Ano? Yak? Yak?” gulat na sabi ni Kino.
“Yakiniku!” pagsalba ko kaagad sa sarili ko. “Gusto ko n’on. Iyon na lang
ang kainin natin mamayang dinner… ma… mahal,” naiilang na sabi ko.
Napatingin tuloy sina Kierra at Luna sa akin, parang nandidiri sa mga
naririnig nila. Napapikit ako nang mariin, nahihiya sa sinabi ko.
Ano ba `to? Si Kino kasi, eh! Alam naman niyang hindi ako sanay sa
mga ganito.
“Sunduin na kita diyan. Kasama mo sina Luna at Ke, `no? On the way
na ako.” Pagkatapos ay ibinaba na niya ang tawag.
Hinintay namin nina Luna at Kierra na dumating si Kino. Mayamaya,
narinig ko na ang sabay-sabay na bulungan ng mga tao kaya alam kong
nandiyan na siya. Pagkalingon ko sa entrance ay nakita ko si Kino, nakasuot pa ng shades. Halatang galing siya sa isang photoshoot dahil nakaayos pa
siya. Kinilig kaagad iyong mga waitress, hindi alam ang gagawin nang
makita si Kino.
“Ang feeling!” pagbasag kaagad ni Luna pagkalapit ni Arkin.
“`Tang-ina, may pa-shades-shades pa.” Tinanggal ni Kierra ang shades
ni Kino.
“Panira talaga kayo!” inis na sabi ni Kino at binawi iyong shades niya.
Mabilis niyang binago ang nakasimangot niyang mukha at ngumiti nang
tingnan ako. “Sinusundo ko lang ang asawa ko.”
“Pucha, `kadiri ka.” Hinampas siya ni Luna sa braso.
“Bakit? Kasal na kami, ah! High school pa lang!” Ibinalik na naman
niya `yon.
“Sige na, umalis na kayo, love birds.” Itinulak-tulak na kami ni Kierra
paalis.
“Uy, siya lang `yong corny, ah… Hindi ako…” pagtanggol ko pa sa
sarili ko, pero inakbayan na ako ni Kino at hinatak palabas ng restaurant
bago pa dumami ang mga tao roon. Kaunti na lang at magkakagulo na
sila at hindi na kami makakaalis.
Dumeretso kami sa van niyang naghihintay na sa may entrance.
Pagpasok pa lang doon ay pinatakan na niya ako ng halik sa mga labi.
“Saan mo gusto mag-Yakiniku?” Sineryoso talaga niya `yon. Ang dali
talaga niyang utuin.
“Hindi ko na alam ang mga kainan dito.” Matagal din akong nasa Spain
kaya siya ang may alam kung saan puwedeng kumain niyon.
“Okay, ako na ang bahala, baby.” Kumindat pa siya.
Huminto kami sa isang mamahaling Japanese hotel at sumakay ng
elevator papunta sa Japanese restaurant nila. Maganda ang ambiance at
kaunti lang din ang mga tao kaya walang naging problema. Si Kino na
ang nag-order para sa akin.
Habang naghihintay kami ng pagkain, ikinuwento lang niya sa akin
iyong nangyari sa trabaho niya. Nagpakita pa si Kino ng sample photos
mula sa photoshoot niya ngayong araw. May mga past contracts pa siya na
kailangang tapusin kaya nagpo-photoshoot pa rin siya hanggang ngayon.
“Buong araw, inaasar lang ako ng mga staff at tanong sila nang tanong
tungkol sa `yo,” pagkukuwento niya.
“Ayaw mo ba?”
“Kaya nga sobrang saya ko kasi may chance ako na dumaldal tungkol sa
`yo, eh. Ikaw kaya `yong favorite topic ko. Nagpakita pa ako ng pictures natin
`tapos kinuwento ko pa kung paano ako umamin sa `yo noong high school.”
“Baka kung ano-ano na ang sinabi mo tungkol sa akin, ha…” Sinamaan
ko siya ng tingin. “At baka ang pangit ko sa mga pictures na pinapakita mo.”
Biglang sumeryoso ang mukha ni Kino kaya natahimik ako. Huh? Galit
ba siya? May nasabi ba ako?
“Don’t say that about my girl,” galit na sabi niya sa akin.
“Huh?” Kumunot ang noo ko. “Sinasabi ko lang—”
“Una sa lahat, wala kang kahit anong negative aspect. Pangalawa,
kahit kailan, hindi ka naging pangit. Sobrang ganda mo kaya. Taob lahat
ng mga artista at model na `yan sa `yo.”
“Ang OA mo.”