11/09/2026
π£ πΌπ°π·πΈπΆπΏπΈπ π½π° π±π°π±π°π»π° ππ° π»π°π·π°π π½πΆ π»πΏπΆ πππΏπΏπ»πΈπ΄ππ
Ipinapaalala ng Department of Energy β Mindanao Field Office (DOE-MFO) sa lahat ng mga supplier ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) ang mahigpit na pagsunod sa mga probisyon ng Republic Act No. 11592 at DOE Circular No. DC 2022-11-0037.
Sa kabila ng umiiral na mga regulasyon, may mga naitatala pa ring insidente kung saan ang ilang LPG suppliers ay patuloy na nagde-deliver o nagbebenta ng LPG sa mga retailers na walang valid na:
β’ DOE License to Operate (LTO)
β’ Authority to Sell (ATS)
π© ANO ANG ITINUTURING NA PAGLABAG
Alinsunod sa Section 4 (1)(h) ng DOE DC 2022-11-0037, ipinagbabawal ang pakikipag-transaksyon ng sinumang kalahok sa LPG industry sa mga establisimyento na walang valid na DOE-issued LTO.
Mananagot ang supplier kung siya ay:
Nag-deliver ng LPG kahit walang LTO ang retailer.
Hindi nag-verify ng DOE-issued documents bago mag-deliver.
Umasa lamang sa:
pagiging βsukiβ ng retailer, o
verbal assurance na βmay inaasikaso naβ raw na lisensya.
π Ang kawalan ng aktwal na beripikasyon ay hindi katanggap-tanggap na depensa.
βοΈ PARUSA SA PAGLABAG
Alinsunod sa Section 38 (b)(1) ng Republic Act No. 11592, ang sinumang supplier na mapapatunayang sadyang nag-supply ng LPG sa walang lisensyang retailer ay papatawan ng:
ADMINISTRATIVE FINE:
πΈ β±10,000.00 (Sampung Libong Piso)
β‘οΈ Sa BAWAT tangke / pressure vessel / seal
β‘οΈ Na sangkot sa illegal na transaksyon
β Ibig sabihin, ang isang maling delivery ay maaaring magresulta sa malaking multa, depende sa dami ng tangke o seal na kasangkot.
π’ DIREKTIBA SA LAHAT NG LPG SUPPLIERS
Inaatasan ang lahat ng LPG suppliers na:
βοΈ I-verify muna ang validity ng LTO at ATS ng retailer bago mag-deliver.
βοΈ Tiyaking dokumentado ang bawat transaksyon.
βοΈ Sumunod sa umiiral na DOE regulations upang maiwasan ang multa at pananagutan.
π Ang pagsunod sa batas ay hindi dagdag na pasaninβito ay proteksyon sa inyong negosyo at sa buong LPG supply chain.
π I-follow ang DOE Mindanao Field Office
para sa mga paalala at impormasyon tungkol sa ligtas at wastong paggamit ng LPG.π