11/10/2025
Panginoong Diyos,
Ipinaglalapit namin sa Iyo ang buong bansa, lalo na ang mga pook na yumanig ngayong araw.
Marami ang nawalan — ng tahanan, ng mahal sa buhay, ng kapanatagan.
Marami ang sugatan, natakot, naligalig.
Yakapin Mo po sila sa Iyong dakilang awa.
Pagalingin ang may karamdaman.
Bigyan ng lakas ang mga naglilingkod.
Gabayan ang mga namumuno sa kanilang paggawa,upang maging matuwid, mabilis, at maasikaso ang paglilingkod.
Pagkalooban Mo po ang bawat tahanan ng kanlungan at proteksyon.
Bigyan ng pag-asa ang mga nawawalan.
Pag-ukulan ng tulong ang mga nangangailangan.
Hindi mo kami pinababayaan —
Sa gitna ng lindol at kaguluhan,
Ikaw ang sandigan namin,
Ikaw ang aming tanglaw.
Sa pangalan ni Hesus,
Amen.
From- Grade 7 marangal