23/05/2026
' BEEN A WHILE, Everyday may ganitong buyer, issue lagi na matagal ang order (handmade kase ito mamsh) kapag dumami orders nyan hindi na yan kayang gawin ng iisang tao sa loob ng 24 hrs na dapat iship ang orders sa binigay na timeline ng platform, minsan kapag breach pa yan, may penalty pa yan (esp sa lazada yon) kaya nagkaroon ng pre order lalo na sa mga ganitong klase ng item.
Issue na bayad na, matagal ng bayad, eh may COD naman din para di babayaran agad. Nakasulat din kung ilang araw ang pre order. Nag accept naman ako ng rush order kapag kaya naman. Basta pa inform lang or kung may specific time na need makarating ang orders kase dadalhin sa abroad or whatever reason man yon.
Pag bayad nyo po ang order 3-7 days pa yan bago mapunta sa seller pagkatapos maideliver. Hindi po diretso sa wallets namin yon.
"Ang tagal, 1 week na" (pero nakasulat naman sana na 14 days pre order pero one week na daw wala pa)
Magbabasa na lang din si buyer. Kapag nag explain ka ikaw ang unprofessional, kapag sinabi mong obviously, clearly, pre order (napaka unprofessional naman daw)
Magbasa po tayo. Lahat po ng efforts ginagawa namin para maging malinaw at maging obvious sa na YES PO MATAGAL PONG UMORDER SA SHOP KO. TOTOO PO KASE PO IISA LANG PO AKO MINSAN may kasama, madalas wala. Ako lang po lahat yan nag didisenyo nyan walang technology at machine para mapabilis yung production detail by detail, detailed and the details made by me, yours trully! 😂
Almost 5 years! Making this craft. Sana humaba pa pasensya nyo, kase mukhang wala na kong makukuhang assistant na kasing tyaga ko sa mga tiny details 😂 ang hirap daw kasing matutunan.