21/03/2026
Bilang anak ng isang OG na mananahi ng Nasugbu...ikinagagalak kong ipagpatuloy ang aking misyon na ibida ang mga mananahi ng Nasugbu.Ito rin po ay nagsisilbing mga kuwento n magandang kunan ng inspirasyon.
Kilalanin po natin si Mommy Fe Asia "Ang Mananahi for all Seasons" n ngayon ay may tahian sa Pasilio 1, Nasugbu Public Market.
Matthew 6:33 "But seek first the Kingdom of God and His Righteousness,and all these things will be added into you." ang isa sa kanyang mga paboritong bible verse.
Nagsimula ang kanyang journey sa pananahi noong 1990.Namasukan sya sa ilan sa mga magagaling n mananahi.Dahil sa kanyang passion at diskarte sa pananahi..hindi naging mahirap sa kanya na natutuhan ang pagtatabas at pananahi ng iba't ibang klase ng damit. Napapag aralan nya ang mga yari sa catalog. Naging master cutter sya sa ibang bansa, nananahi din sya ng mga damit na dinadala sa ibang bansa.
Marami syang pinagdaanang hirap.Isa n rito ay yung nanghihiram sya ng sirang makina para may magamit ngunit pag ok n ang makina ay kinukuha n sa kanya ng may-ari nito. Dahil sa kanyang pananampalataya at sipag ay nagkaroon na din sya ng sariling makina n malaki ang naging serbisyo sa kanya.Napagtapos nya ng pag aaral ang kanyang mga anak. Dahil sa dedikasyon nya sa napiling propesyon..yun ang naging simula ng kanyang pag unlad!