13/05/2026
I don't know where to start, haha. It's my first time na mag latag ng fuzzy wire nung Mother's Day, as in 4 or 5 lang ang naka-ready kong bouquet flowers, and asa 20 pcs atang single stem lang. Awang awa pa ako sa sarili ko nung umaga kasi wala akong maupuan or gunting na dala! Hahaha, tapos nililipad pa yung mga nakasabit kong bouquet. Haha, hindi kona alam gagawin ko nung time na yun, parang gusto kona lang rin umuwi kasi nakikita ko sa mga katabi ko ang dami na agad sa kanila bumibili, pero di ako nawalan ng pag-asa, kaya nung may bumili saakin nung single stem na tatlo, isang daan, tuwang tuwa na ako kasi may benta na kako ako haha, hanggang sa nag sunod-sunod na. Hanggang sa naubos yung mga gawa kong naka-display na bouquet, tapos kada gawa ko nabibili rin agad sya. Tuwang tuwa na ako, kasi ang dami kona benta haha. Sabi ko sa isip ko, makabawi lang sa puhunan ay okay, but sobra sobra pa ang kinita.
I'm so happy na yung takot at first time mag latag ng paninda nyang flower ay nabili. May tira man, but masasabi kong worth it yung pagod at init.
Thank you to my friends and family, who support me, and to my boyfriend, who helped me and stayed with me the whole day kahit hindi na sya nakapasok ng work. ❤️❤️
Hindi na ako nakapag picture sa ibang bumili dahil kada gagawa ako nabibili agad kaya gagawa ulit haha nawawala na sa isip ko. 🤣