28/12/2024
✅IMPORTANSYA NG SHIPPING FEE FIRST✅
(Deal na biglang na cancel).
Minsan nasesense talaga ng seller na walang tiwala or magulo kausap ang buyer or ewan ko ba magulo na hindi mawari.
NO PROBLEM naman sakin,
ganun talaga negosyo iba2 ang utak ng tao naiintindihan namin or kailangan intindihin hehe.....
*kami na mismo nag offer ng COD ang payment sa buyer
*pati shipping fee COD gusto ni buyer
sabi ko policy na need ng shipping fee kahit man lang half pang gas ng rider (one way) then send ko lahat ng proofs ko simula 2008.
✅Kasi kinokonsidera ko maige ang rider , pag sa drop nalang babayaran ang shipping fee hindi maiwasan scenario na malapit na sa drop si rider tapos my emergency daw si buyer cancel nlang, example nasagasaan ang alaga nilang daga . lugi si rider/ seller pag walang deposit na transpo fee first.
........Mahirap naman pabayaran sa buyer transpo fee kung nagka emergency sila baka mabaliktad pa na walang kunsensya o simpatya . hindi nila maunawaan na my pamilya si rider sayang gas. .
legitimacy proof pics/ links na sinend ko ng january , sinend ko ulet. nahirapan talaga ako sa pag explain pero ok lang naman part ng business ganun talaga, nag down ng 199 gcash half ng transpo fee coordinate ko na sa rider. .
2minutes bago dumating sa bahay si rider nagsabi si buyer na possible ma cancel ask nya magulang nya ulet.
dumating na si rider naghintay ng 10minutes nahiya ako magpa hintay kasi importante din sakin oras nila. wait ko final desicion ni buyer.
✅CANCEL DAW TALAGA
un po importansya ng transpo fee .
✅Sa rider nakakahiya kung cancel na wala kaming ibibigay na bayad nag gas sila para sana ma pick up ang product papunta samin, nasira namin sched nila.
✅Sa seller sayang ang oras na walang nangyari sa oras kaka coordinate kaka schedule ng byahe etc. pero ganun talaga NO PROBLEM naman sakin sanay na ko ng magulo na transaction .
january - inquire
november - inquire
december - inquire bibili na daw.
Result = CANCEL sayang oras 2-3hours?
pasensya talaga at chill lang need mangibabaw.
best pa din talaga ang pick up for buyers para kaliwaan kung medyo walang time mag background check si buyer. naunawaan naman namin marami scammers or my trauma lahat ng tao =)
......