15/11/2025
‼️Please read to all iPhone Paluwagan joiners‼️
Marami pa rin nagtatanong kung paano ang iPhone Paluwagan at kelan ba talaga makukuha ang iPhone?
Everyone, ang Paluwagan po hulugan din po ito. Dipende po sa ma oopen ng handler/admin kung ilang buwan babayaran at magkano ang babayaran dipende sa iPhone na gusto nyo.
Sa paluwagan meron pong tinatawag na BY SLOT RELEASING at SPIN THE WHEEL RELEASING.
Sa by slot releasing kayo po mamimili kung pang ilan kayong makakareceive (paunahan po yan sa slot hindi pwede makisingit)
Sa SPIN THE WHEEL o tinatawag na via ROLETA release naman wala pong exact na araw at buwan kung kelan mo makukuha ung unit kumbaga bunutan po ito, pero lahat naman kayo makakareceive kelangan lang habaan ang pasensya kung gusto mo talaga ng iPhone. (Relax ka lang at lahat naman makakasahod wag kang atat)
Kapag sure joiner matic may REQUIREMENTS at RULES yan by the owner. (Hindi ikaw ang masusunod beh, business mo?)
‼️ANG PINAKA NUMBER ONE RULE PO SA PALUWAGAN AY NOT REFUNDABLE‼️
Kahit magkano na ang hinulog mo wala kang marerefund dahil wala naman natitira o naiiwan sa handler/admin, Umiikot po ang pera.
Please make sure na kapag sasali kayo kaya niyo ung obligasyon na pinasok niyo at kaya niyong diskartehan kapag nagkaproblema kayo sa buhay niyo (hindi ung problema nyo magiging problema ng admin) para walang maging perwisyo at naaabala.
TAKE THE RISK AT BE RESPOSIBLE JOINER KAPAG SASALI, KASI HINDI NAMAN KAYO PINIPILIT. 🤗♥️