26/09/2026
🦞 INGAT PO TAYO, MGA KA CRAYFISH!
Kapag too good to be true ang isang investment offer, mag-ingat po tayo. Huwag nating basta ipagkatiwala ang perang pinaghirapan natin sa mga investment scheme na hindi natin lubos na kilala o nasusuri.
Sa totoo lang po, hindi mabilis ang pagdaloy ng pera sa farming at hindi rin ito madali sa simula. Kailangan talaga ng tiyaga, tamang pag-aalaga, at panahon.
Pero kapag natutunan ninyo ang sistema, napagana nang maayos ang farm, at nakahanap ng magandang market, puwede itong maging tuloy-tuloy na source of income.
Kaya ang payo ko po sa mga gustong sumubok:
👉 Subukan muna ninyo mismo.
👉 Magsimula sa kaya ng budget ninyo.
👉 Aralin muna ang pag-aalaga at market.
👉 Huwag agad maglabas ng malaking pera
dahil lang sa pangakong malaking balik.
Kung may bakanteng lote o farm na hindi ginagamit, puwede ninyong pag-aralan kung bagay dito at magsimula nang paunti-unti.
Hindi ko po sinasabing madali ang farming—ang sinasabi ko lang, mas mabuting subukan, aralin, at patunayan muna ninyo mismo bago maglabas ng malaking puhunan.
Payo lang po mula sa isang kapwa natin nasa farming. Ingat po tayong lahat sa pera natin. 🦞❤️
All Glory to God! 🙏