27/10/2022
Naghahanap ba kayo ng Skilled Mechanics na mura pero de-kalidad ang serbisyo ? Ang Croesus All in Shop and Services ay narito upang kayo'y pag-serbisyuhan.
Ang amin pong mga mekaniko ay kayang ayusin ang inyong: 👇
👉Prime Mover
👉Trailer
👉Truck
👉Car (Manual) & etc.
📌Once po na nakapag-book na kayo ng appointments. Ang amin pong mga mekaniko ay pupunta sa area kung saan ninyo gusto ayusin ang inyong sasakyan.
📌Once na nabaklas na po ang inyong unit, at na-inform na po kayo ng aming head mechanic sa kung anong sira nang inyong sasakyan, obligado po kayong bilhin ang mga parts na kailangang palitan sa inyong sasakyan.
📌Hihintayin ng aming mga mekaniko, ang araw kung kelan darating ang piyesa lalo na kung ito ay manggagaling pa sa malayong lugar. Dahil kadalasan, walang available na piyesa dito sa Palawan, kaya sa Manila pa nakakabili. Pero kung mayrong available agad na piyesa, ito'y agad na gagawin nang aming mga mekaniko.
📌Kailangan niyo pong maghalf-down agad sa presyong napag usapan ninyo ng aming head mechanic(presyong pang-masa na hindi kami magugutom at hindi kayo mamamahalan).
⁉️ Bakit ho namin kailangan ng half down payment?
👉PAMASAHE (Dahil tatlo or apat po sila, depende sa bigat o dami nang gagawin at layo ng inyong lugar)
👉PANGKAIN (Dahil sagot po nila mga sarili nilang pagkain, pero thank you na po agad kung may libre kayong pang-meryenda para sa kanila)
👉REMIT KAY MISIS (Alam naman po natin na kailangang may maiwang pera sa bahay na panggastos, panggatas ng mga anak, pambaon sa school ng mga batang nag aaral, pangkain nang naiiwan sa bahay umaga, tanghali, hapon at gabi. Yun din ang ba-budgetin ng mga misis hanggat hindi pa natatapos ang kontrata nang kanilang mga mister).
❌ na po kami sa "BUUHIN NALANG ANG BAYAD PAGTAPOS MAAYOS ANG UNIT!"
📢 Hindi po biro maging isang mekaniko, at Hindi po madali ang kanilang trabaho. Magkamali lang po sila, maaari na po yun ikadamage lalo ng unit niyo o ang mas worst don ay yung ikapahamak pa ng buhay nila.
What Am I trying to say is, tumatakbo ang oras at sa bawat pagtakbo ng oras, kailangan nilang bumangon, at sa bawat pagbangon nila, kailangan nilang kumayod, rumaket, magtiyaga at magtiis, para sa pamilyang kanilang binubuhay ARAW-ARAW.
Kaya sa inyong mga mahal naming mga kliyente, ang hangad namin ay wastong pagtrato sa aming mga mekaniko, at patas na pag-bayad para sa serbisyong de kalidad.
🏆
Head Mechanic : 40years in service
Apprentice: Skilled and Trained by our Head Mechanic since 2017
Just pm me for inquiries.
Maraming Salamat Po💓
God Bless💞