26/11/2025
One thing i learned today:
Mommas, please always remember the exact date your kids have taken antibiotics, if you can remember the name, much better. This information will come handy kahit sa isang simpleng check up lang.
“Sabi kasi nang kapitbahay namin”
Noong nakaraang linggo may nakita akong pasyente na na-admit dahil sa sugat sa binti at lagnat na lumalala na sa loob ng ilang linggo. May diabetes siya at nakapagsubok na ng iba’t ibang antibiotics sa bahay. Dinala ng anak niya ang isang pouch ng halo-halong tableta: tira mula sa lumang reseta, bigay ng kapitbahay, at ilan na nabili mula sa mga botika na patuloy pa ring nagbibigay ng antibiotics kahit walang reseta, dahil nakasanayan na raw ng pamilya nila.
“Para daw mabilis gumaling, sabi kasi nang kapitbahay namin.”
Lumabas ang culture na MRSA, halos resistant sa lahat, at hindi gumagaling ang sugat niya.
Tinanong ng anak,
“Doc, meron pa po bang mas malakas na antibiotic na kailangan?”
Ipinaliwanag ko na may mga natitirang gamot na epektibo, pero ito yung mga antibiotics na nakareserba para sa malulubhang impeksyon na resistant, at kadalasan ay may presyo na hindi kayang abutin ng maraming pamilya.
At sumagot ang pasyente:
“Sana pala nagpa-check up na lang kami agad.”
Walang sisihan. Walang drama. Paalala lang na totoo ang antibiotic resistance at kung gaano kabilis lumala ang mga bagay kapag gumagamit ng antibiotics nang walang tamang gabay.