08/09/2022
❗️SCAMMER ALLERT ❗️
Ang mga pages na "Tavern alé co.”, “Sergio Accessories and Equipment”, “Helsinki Agricultural Equipment” at “Kanaway Argivets” pati na rin ang Shopee account na "Chicks Center Poultry Shop" ay WALANG CONNECTION sa aming mga pages na Ferdi Catch bag and Dummy c**k at Joy’s Rooster Accessories Rooster Trading.
Ang mga pages at shopee account na nasa picture sa ibaba ay mga scammer na ginagamit ang mga pictures ng aming products para makapang loko, nagpapadala ito ng mga iba’t ibang gamit tulad na lang ng lunch box, portable stove, at iba pa.
Maging mapanuri tayo sa pag-order mas mabuting bisitahin at kilatisin muna mabuti ang page ng seller upang makasiguro kung tunay ang mga ito para maka iwas sa mga scammer.
Kung gusto n’yo mag-order may mga legit reseller kami maari n’yo silang i-video call upang ma-ipakita sa inyo kung tunay na catch bag at dummy ang kanyang binebenta. Maari rin naman kayong umorder sa official pages namin na FERDI CATCH BAG AND DUMMY C**K & JOY’S ROOSTER ACCESSORIES ROOSTER TRADING.
Paki-share na rin para sa awareness ng iba. Salamat.