02/09/2026
Ronie Endozo
Ang pinaka tumatak sa akin at nagpa antig sa aking puso at sobrang nagpaiyak sakin ay 2 storya ng mga buhay nila. Una ay kay rondave, kasi eto din ang madalas naming nararanasan lalo nasa kagaya ko na isa ring breadwinner at single mom. Yong nag uuwi sya ng ulo at buntit ng isda galing sa kapet balay para lang my maiulam ang pamilya,at walang bigas na masasaing ang pamilya. Kagaya lang din sya sa sitwasyon ko, ako lang my work sa lima kong kapamilya na sinusuportahan, ang nanay kong 85 yrs old, 2 kung sister na matandang dalaga at syempre ang anak kong 7 yrs old. Ang nanay ko at 1 kapatid na nasa probinsya at kaming 3 naman dito sa quezon city ang anak ko at 1 kung kapatid at ako ay isa lamang factory worker, so ano lang ba mararating ng 1 monimum wage na kita diba? Madalas hindi sapat lalo na kung bayarin ng tubig,kuryente at bahay kaya madalas kabilaan ang utang para makasurvive sa pang araw araw na gastusin.
At ang pangalawa at pinakatumatak at sobrang dumurog ng puso ko ang storya ng buhay ni ronnel, sapagkat sa kabila ng mga paghihirap ko na kahit papano nmn ay nakakaraos parin nmn sa kabila ng madalas na kagipitan sa buhay, pero nung mapanood ko ang storya ni ronnel ay grabe ang tindi ng pinagdaanan nya kumpara sakin, sobrang dumurog ng husto sa puso ko sa sobrang tindi ng hirap na pinagdaanan nya kumpara sakin. Kaya nagpapasalamat ako palagi sa dyos na kahit pano ay ganito lang ang nararanasan namin, na may mas matinding pinagdadaanan pa ang iba kumpara sakin.
Kaya ang itinatak ko nalang sa pusot isipan ko ay ang magpakatatag at laban lang sa buhay dahil alam ko naman hindi ako bibigyan ng ganitong pagsubok ng dyos ng hindi ko kakayanin eh, eto lang ang paraan nya para maging matatag tayo at tumibay ang pananampalataya sa kanya sa kabila ng mga pagsubok na dumarating satin, na andyan sa palagi na gumagabay satin para patatagin at pagtibayin ang loob natin para mga darating pang mas matinding pagsubok na ating mararanasan sa buhay natin sa hinaharap.
Kaya laban lang tayo para sa kinabukasan at ikabubuti ng buhay natin, at lahat naman po ng mga storya ng buhay ng buong staff nyo ay nakakadurog din ng puso pero paban lang kaya natin to. Sinusubok lang ni GOD kung gano tayo katibay at katatag para harapin ang mga pagsubok na dumarating sa buhay natin, darating din ang tamang panahon na tayo ay makakaraos sa buhay.
Ang sakin lang nmn ay ang masuportahan ko ang aking ina na hirap ng maglakad sa ngayon gustuhin kumang mapagamot ay wala namang kakayahan at syempre ang anak ko na sana ay mapaaral ko sya hanggang college at maging maayos ang aming pang araw araw na buhay at maging malusog, at ilayo sa mga disgrasya, kapahamakan,karahasan at kalamidad na nangyayari sa paligid yan lang palagi ang dinarasal ko sa araw araw at maging mapayapa ang lahat sa ngalan ni jesus na ating panginoon nawa'y pagpalain tayo lahat.