29/04/2026
๐ฏ๐๐๐ ๐๐๐ ๐บ๐ต๐ฌ๐จ๐ฒ ๐ท๐ฌ๐ฌ๐ฒ ๐๐๐ ๐บ๐ท๐ฌ๐ช๐ฐ๐จ๐ณ ๐ช๐ฏ๐จ๐ท๐ป๐ฌ๐น ๐๐ ๐ฎ๐ถ๐ณ๐ซ๐ฌ๐ต ๐บ๐ช๐ฌ๐ต๐ฌ๐น๐ ๐ถ๐ญ ๐ป๐ถ๐ด๐ถ๐น๐น๐ถ๐พ ยฐโโ.เณเฟ*:๏ฝฅ
๐๐ง๐ข๐ฏ๐๐ซ๐ฌ๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐๐ซ๐ข๐๐ฌ ๐: ๐๐จ๐ฅ๐๐๐ง ๐๐๐๐ง๐๐ซ๐ฒ ๐จ๐ ๐๐จ๐ฆ๐จ๐ซ๐ซ๐จ๐ฐ ๐๐ฒ ๐๐ซ๐๐ฎ๐ฆ๐ข๐ง๐๐ญ
Grab your copies here: https://s.shopee.ph/9KdPLMdras
๐จ๐
๐๐๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐
: January 26, 2026 to April 30, 2026
๐น๐๐๐๐๐๐ ๐ซ๐๐๐: July 2026
๐๐ผ๐ด
JUST IN: Larkin Sanchez Professes Love in Public
Larkin Sanchez Reveals His Girlfriend During Concert
EXCLUSIVE: Larkin Sanchez and Avianna Diaz,
Friends-to-Lovers Story
โANO BA `TO, NAKAKAHIYA NAMAN!โ TINAKPAN KO
ang gilid ng mukha ko habang binabasa sa akin ni Luna ang mga articles na
nakita niya. Tatlong araw pa lang ang nakakalipas pagkatapos ng concert
ni Arkin, parang sobrang nagbago ang buhay ko.
โIyon `yong girlfriend ni Arkin Sanchezโฆโ narinig kong bulong ng
isang babae sa katabing table namin. โArchitect daw `yanโฆ Taga-Spain.โ
Ibinaba ko tuloy ang sombrero ko at umiwas ng tingin para hindi na
nila masilayan ang mukha ko. Tawa nang tawa sina Luna at Kierra sa harap
ko habang todo scroll sila sa phone. Siguro ay dalawa na ang nagtanong
sa akin ngayong araw kung puwede bang magpa-picture pero lahat ay
tinanggihan ko. Maiintindihan naman siguro nila `yon dahil hindi ako taga-showbiz. Normal na mamamayan lang naman ako kaya ayaw
kong nakikita ang mukha ko kung saan-saan.
โHala, saan nila nakita `to? Ang cute-cute nโyo!โ Ipinakita sa akin ni
Kierra ang picture namin ni Kino noong high school. Field trip iyon `tapos
nag-selfie kami sa sunset.
โPinost ni Kino `yan kahapon.โ Napairap ako. โMasyado siyang naexcite
dahil hindi na namin kailangang magtago, kaya `ayan. Ang dami
niyang pakulo.โ
โLoving you loudly nga, eh. Sana all,โ nakangiting sabi ni Luna habang
todo scroll pa rin sa phone niya. โKailan pala balik mo sa Spain?โ
โIn two days. Sa wakas, makakabalik na ako sa tahimik kong buhayโฆโ
Tumingin ako sa paligid at nagtama ang tingin namin ng babae sa kabilang
table. Umiwas ulit ako ng tingin.
Tumingin ako sa phone ko nang makitang tumatawag si Kino. Sinagot
ko kaagad `yon habang abala sina Luna at Kierra na nag-uusap naman
ngayon tungkol sa trabaho.
โHello?โ sagot ko. โNapatawag ka?โ
โWala man lang ka-sweet-an sa pagsagot,โ reklamo kaagad ni Kino sa
kabilang linya. Napasapo ako sa noo ko. Nai-imagine ko na ang hitsura
niya ngayong nagtatampo.
โPaano pala?โ
โHello, mahal? Napatawag ka? Miss mo ako, `no?โ Ginaya pa niya
ang boses ko.
โYakโโ Pinigilan ko kaagad ang sarili ko nang ma-realize kung
anoโng sasabihin ko. Nasanay na kasi akong wala akong boyfriend. Parang
automatic na sa sistema ko na ganoon ang sabihin kapag nakakarinig ako
ng sweet.
โAno? Yak? Yak?โ gulat na sabi ni Kino.
โYakiniku!โ pagsalba ko kaagad sa sarili ko. โGusto ko nโon. Iyon na lang
ang kainin natin mamayang dinnerโฆ maโฆ mahal,โ naiilang na sabi ko.
Napatingin tuloy sina Kierra at Luna sa akin, parang nandidiri sa mga
naririnig nila. Napapikit ako nang mariin, nahihiya sa sinabi ko.
Ano ba `to? Si Kino kasi, eh! Alam naman niyang hindi ako sanay sa
mga ganito.
โSunduin na kita diyan. Kasama mo sina Luna at Ke, `no? On the way
na ako.โ Pagkatapos ay ibinaba na niya ang tawag.
Hinintay namin nina Luna at Kierra na dumating si Kino. Mayamaya,
narinig ko na ang sabay-sabay na bulungan ng mga tao kaya alam kong
nandiyan na siya. Pagkalingon ko sa entrance ay nakita ko si Kino, nakasuot pa ng shades. Halatang galing siya sa isang photoshoot dahil nakaayos pa
siya. Kinilig kaagad iyong mga waitress, hindi alam ang gagawin nang
makita si Kino.
โAng feeling!โ pagbasag kaagad ni Luna pagkalapit ni Arkin.
โ`Tang-ina, may pa-shades-shades pa.โ Tinanggal ni Kierra ang shades
ni Kino.
โPanira talaga kayo!โ inis na sabi ni Kino at binawi iyong shades niya.
Mabilis niyang binago ang nakasimangot niyang mukha at ngumiti nang
tingnan ako. โSinusundo ko lang ang asawa ko.โ
โPucha, `kadiri ka.โ Hinampas siya ni Luna sa braso.
โBakit? Kasal na kami, ah! High school pa lang!โ Ibinalik na naman
niya `yon.
โSige na, umalis na kayo, love birds.โ Itinulak-tulak na kami ni Kierra
paalis.
โUy, siya lang `yong corny, ahโฆ Hindi akoโฆโ pagtanggol ko pa sa
sarili ko, pero inakbayan na ako ni Kino at hinatak palabas ng restaurant
bago pa dumami ang mga tao roon. Kaunti na lang at magkakagulo na
sila at hindi na kami makakaalis.
Dumeretso kami sa van niyang naghihintay na sa may entrance.
Pagpasok pa lang doon ay pinatakan na niya ako ng halik sa mga labi.
โSaan mo gusto mag-Yakiniku?โ Sineryoso talaga niya `yon. Ang dali
talaga niyang utuin.
โHindi ko na alam ang mga kainan dito.โ Matagal din akong nasa Spain
kaya siya ang may alam kung saan puwedeng kumain niyon.
โOkay, ako na ang bahala, baby.โ Kumindat pa siya.
Huminto kami sa isang mamahaling Japanese hotel at sumakay ng
elevator papunta sa Japanese restaurant nila. Maganda ang ambiance at
kaunti lang din ang mga tao kaya walang naging problema. Si Kino na
ang nag-order para sa akin.
Habang naghihintay kami ng pagkain, ikinuwento lang niya sa akin
iyong nangyari sa trabaho niya. Nagpakita pa si Kino ng sample photos
mula sa photoshoot niya ngayong araw. May mga past contracts pa siya na
kailangang tapusin kaya nagpo-photoshoot pa rin siya hanggang ngayon.
โBuong araw, inaasar lang ako ng mga staff at tanong sila nang tanong
tungkol sa `yo,โ pagkukuwento niya.
โAyaw mo ba?โ
โKaya nga sobrang saya ko kasi may chance ako na dumaldal tungkol sa
`yo, eh. Ikaw kaya `yong favorite topic ko. Nagpakita pa ako ng pictures natin
`tapos kinuwento ko pa kung paano ako umamin sa `yo noong high school.โ
โBaka kung ano-ano na ang sinabi mo tungkol sa akin, haโฆโ Sinamaan
ko siya ng tingin. โAt baka ang pangit ko sa mga pictures na pinapakita mo.โ
Biglang sumeryoso ang mukha ni Kino kaya natahimik ako. Huh? Galit
ba siya? May nasabi ba ako?
โDonโt say that about my girl,โ galit na sabi niya sa akin.
โHuh?โ Kumunot ang noo ko. โSinasabi ko langโโ
โUna sa lahat, wala kang kahit anong negative aspect. Pangalawa,
kahit kailan, hindi ka naging pangit. Sobrang ganda mo kaya. Taob lahat
ng mga artista at model na `yan sa `yo.โ
โAng OA mo.โ