22/11/2026
IMAGINE TELLING ME…
“Ang mahal naman ng cake topper, papel lang naman 'yan!”
“₱150 para sa mug? Mug lang naman na may pangalan!”
“Bakit ₱90 ang stickers? Print lang naman tapos cut!”
“Ang mahal ng customized shirt! Pinindot lang naman sa machine!”
TEKA LANG… HAHAHA! 😂
Parang sinabi mo na rin sa baker na, “Bakit mahal ang cake? Harina at asukal lang naman 'yan!”
Let me explain something about running a SMALL CRAFTING BUSINESS...
Akala ba ninyo, pag may order, print agad? Cut agad? Press agad?
Hindi po gano'n kadali, mga mars! 😂
Bago pa ako makapag-produce ng order ninyo, ang dami ko nang trabaho.
Ako ang graphic designer na gumagawa at nag-e-edit ng layouts. Ako ang purchasing officer na bumibili ng materials. Ako ang inventory staff na nagbibilang ng stocks. Ako ang customer service na sumasagot sa inquiries. Ako ang accountant na nagko-compute ng presyo. Ako rin ang production staff na nagpi-print, nagcu-cut, nag-aassemble at nagpa-package.
ISANG TAO, MARAMING POSITION. WALANG 13TH MONTH PAY SA SARILI! 😭😂
Let's talk about our products.
🎂 CAKE TOPPERS – Hindi lang basta gupit ng papel. May designing, sizing, printing, cutting, layering, assembling at quality checking.
☕ PERSONALIZED MUGS – May layout preparation, image adjustment, printing, sublimation, quality inspection at packaging.
✂️ STICKERS AND DECALS – May artwork preparation, printing, cutting, material costs at machine maintenance.
👕 CUSTOMIZED SHIRTS – May design preparation, sizing, alignment, heat pressing at quality checking.
🎁 PARTY LOOTBAGS AND PARTY ESSENTIALS – May printing, cutting, folding, assembling at packaging para presentable at ready na sa celebration ninyo.
And don't forget the expenses!
- Printers and Cricut machines
- Inks, cardstock, vinyl and sublimation paper
- Mugs, shirts and other materials
- Electricity
- Software and design subscriptions
- Packaging supplies
- Machine maintenance
- Time, effort and labor
Hindi po libre ang mga 'yan. Hindi rin po gumagana ang printer gamit ang good vibes lamang. HAHAHA! 😂
May mga pagkakataon na ilang oras akong nag-aayos ng design dahil sa isang maliit na detail.
May blurry na logo na kailangan pang i-enhance. May font na kailangang hanapin. May layout na kailangang ulit-ulitin hanggang maging perfect.
Tapos may maririnig ka pang:
“Konting design lang naman 'yan.”
“Sa iba mas mura.”
At ang pinakamasakit:
“Pang-print lang naman, bakit ang mahal?”
HINDI LANG PO PRINT ANG BINABAYARAN NINYO.
You're paying for the creativity, skills, equipment, materials, time, effort and experience behind every finished product.
At hindi porke maliit ang business, ibig sabihin maliit lang din ang gastos.
Small business owners, lalo na tayong mga crafters, huwag tayong mahiya maningil nang tama.
Hindi tayo nagtayo ng negosyo para lang mabawi ang puhunan at mapagod nang libre.
We deserve to earn from the skills and services we provide.
Sa FRESH INK AND CRAFTS, bawat order ay may oras, effort, creativity at investment.
We don't just print. We create personalized products that become part of your celebrations, memories and special occasions. ❤️
Kaya sa mga customers namin, maraming salamat sa patuloy na pagtitiwala at suporta!
📍 Novaliches, Quezon City
📦 Nationwide shipping available
💌 Message us for orders and inquiries.
SUPPORT SMALL BUSINESSES. Behind every customized product is a small business owner doing almost everything just to make your order happen.
And remember…
PRESYO PO ITO NG SERBISYO AT PINAGHIRAPAN, HINDI LANG NG PAPEL, TINTA AT ILANG MINUTONG PAGPI-PRINT. 💅😂
Mga fellow small business owners, ano ang pinaka-unforgettable na sinabi sa inyo ng customer tungkol sa presyo ninyo?
Comment below! Chismisan este sharing tayo! 😂👇