A&W Buena's Online Shop

Directions

A&W Buena's Online Shop Online Shop that sells different kinds po plants, dresses and health products.

18/07/2025

ANG OPISYAL NA LOGO NG IKA-120 TAONG PAGKAKATATAG NG PAROKYA NG SANTA CRUZ DE NOVELETA

Ang Simbahang Ina
Tampok sa disenyo ng logo ang istruktura ng ating Parokya tanda ng matibay na pundasyon ng Pananampalatayang Aglipayano sa Bayan ng Noveleta.

Ang Sampaguita
Tampok rin ang sampaguita sa disenyo na sumisimbulo sa malalim na debosyon ng mga mananampalataya sa mga mahimalang Patron, Santa Cruz de Noveleta at kay Nanay Paz sa kanilang pag-aalay tuwing Kapistahan nito.

Ang mga Bayani at Tagapagtatag
Bilang pagkilala sa mahalagang kontribusyon ng mga sinaunang tagapagtaguyod ng ating Simbahan sa pangunguna ng mga Bayani. Silang nagtanim ng ngayo’y mayabong na binhi ng pananampalataya at kultura.

Doroteo Alvarez at ang Kalabaw
Parte ng Kasaysayan ng ating Parokya ang mahimalang pagkakawala ng kalabaw sa isang punong sogahan nito matapos itong magliwanag at humalimuyak sa gabi kung kaya’t sa pananampalataya ni Doroteo Alvarez ay pinagawa itong Santa Cruz na naging Poong dalanginan.

Teresa Dela Paz at ang Dilaw na Paru-paro
Mahalagang parte rin ng kasaysayan ng Simbahang Malaya sa Noveleta ang pagdating ni Nanay Paz, sang ayon sa isang pangitain na natanggap ng isang babaeng mora na nagngangalang Alan Rahap Libato na kalaunan ay nagpabautismo sa pangalang, Teresa Dela Paz. Namamataan din ang isang paru-parong dilaw na palibot libot sa Imahe ng Nanay Paz tuwing mahahalagang okasyon na maituturing na isang himala.

Himala sa Tierra Alta
Sa Taong 2025, ang Parokya ng Santa Cruz de Noveleta ay magdiriwang ng Ika-120 Taong Anibersaryo ng Pagkakatatag. Binibigyang diin ang “Himala” sa taong ito dahil sa hindi mabilang at matatawarang milagrong natamo ng mga mananampalatayang aglipayano. Ginamit rin ang lumang pangalan ng bayan, Tierra Alta tanda ng Unang Simbahang naitatag sa Bayan ng Noveleta.





Address

Rosario
4225

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when A&W Buena's Online Shop posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share