09/07/2026
π’ Magbubukas na ang National ID Satellite Registration Center sa Roxas, Isabela! π΅π
Mas magiging madali at mas malapit na ang mga serbisyo ng National ID para sa mga residente ng Roxas, Isabela at mga karatig na bayan. Simula Hulyo 15, 2026, maaari nang magtungo sa bagong National ID Satellite Registration Center upang magparehistro, mag-update ng demographic information, kumuha ng National ID (Paper Format), at magpa-verify ng status ng inyong National ID.
π Ground Floor, Xentro Mall Roxas
π Don Mariano Marcos Avenue, Rizal, Roxas, Isabela
π Simula: Hulyo 15, 2026
π Oras ng Serbisyo: Lunes hanggang Sabado | 9:00 AM β 5:00 PM
Mga serbisyong maaaring ma-avail:
β
Pagpaparehistro para sa National ID
β
Pag-update ng Demographic Information
β
Pagkuha ng National ID (Paper Format)
β
Pagberipika ng Status ng National ID
Inaanyayahan ang lahat na bumisita sa bagong National ID Satellite Registration Center upang mapakinabangan naturang serbisyo.
Ang pagbubukas ng center ito ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng Local Government Unit (LGU) - Roxas, Isabela, bilang bahagi ng patuloy na pagpapalawak ng access sa mga serbisyo ng National ID.
Mas malapit na, mas madali pa! Bisitahin ang National ID Satellite Registration Center at i-avail ang mga serbisyo ng National ID! π΅π