26/02/2023
Magandang Gabi po sa mga minamahal naming clients!
Lubos po naming ikinagagalak ang interes ninyo sa aming boutique 🥰 Nais po naming iaddress ang ilan sa mga naging conflicts na nangyari nitong mga nakaraang araw.
📌 RESERVATION. Ang basis po ng reservation ay ang refundable security deposit na inyong ibinabayad, maibabalik po ito kung ang gown/suit na inyong inarkila ay walang sira o stain. Nasa maayos na kondisyon po ng inyong ibinalik.
📌RENT. Bago po ninyo pickup-in ang gown o suit ay siguraduhing BAYAD ANG RENTA nito. Hindi po namin ibinibigay ang mga ipinarerenta namin ng may unpaid balance po kayo.
📌SHIPMENT. Kapag nasa labas po kayo ng SABLAYAN TOWN PROPER at ipadadala po ito sa inyong lokasyon ay shoulder po ninyo ang pamasahe nito. Hindi po sagot ng aming boutique ang shipping fee ng gown papunta sainyo
📌DISCOUNTS. Maari lamang pong tumawad kapag bibilhin ang gown, o di kaya naman ay 2 o higit pa ang irerent na damit mula sa aming boutique. Tandaan po na ang SECURITY DEPOSIT AY PER GOWN/SUIT
📌CANCELLATION. Pupwede po kayo magcancel ng appointment pero non refundable po ang deposit.
📌PETTICOAT. FREE po ang petticoat once na mag rent kayo pero hindi po ito kasama kapag ang gown ay inyong bibilhin. FOR SALE din po ang mga petticoat namin, maari po kayong mag avail or magrent 🥰
Lahat po ng naka post sa aming page ay maaring bilhin o rentahan. Taos puso po ang aming pasasalamat sa lahat ng tumangkilik sa Grace's Aisle. Nais po naming mapaglingkuran kayo ng mabaha pang panahon as we take part in one of your important events!
xoxo, admin Elle