20/11/2024
Halinaβt makilahok sa Ikalawang Kongreso Lira: "Ang Tula ng Daigdig: Poetry In The World Dis/Order," kasama ng Likhaan: UP Institute of Creative Writing.
Narito ang mga tagapagsalita sa unang panel:
Edgar Calabia Samar
Si DR. EDGAR CALABIA SAMAR ay isang premyadong manunulat at kasalukuyang Associate Professor sa Ateneo de Manila University kung saan siya nagsisilbi rin bilang Chair ng Department of Filipino. Kasalukuyan din siyang Vice Head ng National Committee on Literary Arts ng National Commission for Culture and the Arts at kasapi ng mga pambansang organisasyong tulad ng Filipinas Institute of Translation (FIT). Naging pangulo din siya ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA), direktor ng Ateneo Institute of Literary Arts and Practices, at visiting Professor sa Osaka University mula 2017 hanggang 2022. Noong 2010, naging writer in residence din siya sa International Writers Program ng University of Iowa sa US at naging guest author naman sa Sharjah International Book Festival sa UAE noong 2017. Nagwagi na ang kaniyang akda sa Palanca Memorial Awards, National Book Award, NCCA Writerβs Prize, National Children's Book Award, Gantimpalang Collantes, PBBY-Salanga Writer's Prize, at iba pang pambansang parangal. Nasa longlist din ng Man Asian Literary Prize ang salin sa Ingles ng una niyang nobela bilang Eight Muses of the Fall. Ngayong Nobyembre, pararangalan din siya ng S.E.A. Write Award ng Hari ng Thailand para sa kaniyang ambag sa panitikan ng Timog-Silangang Asya. Nakapagbigay na siya ng mga panayam sa panitikan at malikhaing pagsulat sa mga guroβt mag-aaral sa ibaβt ibang panig ng bansa mula sa Batanes sa Hilagang Luzon hanggang Lungsod Zamboanga sa Katimugang Mindanao, gayundin sa labas ng bansa, tulad ng Estados Unidos, China, Thailand, United Arab Emirates, Japan, Germany, at United Kingdom.
Mookie Katigbak-Lacuesta
MOOKIE KATIGBAK-LACUESTA is an award-winning writer from the Philippines. She has published five collections of poetry, as well as a novel, Assembling Alice, which was published by Penguin SEA in 2021. In 2023, her poetry collection, College Boy, won a National Book Award. She has also been the Filipino delegate to international literary festivals in Dubai, Rotterdam, MedellΓn, San Francisco, Macau, Kuala Lumpur and South Korea. In 2015, she completed a writing residency for the International Writing Program at the University of Iowa.
Lance Dayrit
Mag-aaral ng BA Philippine Studies sa UP Diliman si LANCE ROMULUS DAYRIT. Nagsilbi siya bilang Literary Editor ng Kalasag, opisyal na pahayagan ng Kolehiyo ng Arte at Literatura. Noong 2016, itinanghal siya bilang Poet of the Year in English sa ika-11 na Gawad Digmaang Rosas, isang patimpalak para sa mga manunulat sa Pampanga. MababΓ‘sa ang ilan sa kaniyang mga akda sa Life UPdates ng Likhaan: UP Institute of Creative Writing, Kalazine, Tapuzine Publikasyong Iglap ng Surian ng Sining, at Entrada Journal. Naging kalahok siya sa ilang palihan sa pagsasalin tulad ng Ikatlo at Ikaapat na Saling Panitik: Bienvenido Lumbera Seminar-Palihan sa Pagsasalin at fellow sa SALINAN 2024: Espesyal na Maikling Kurso sa Pagsasalin na kapwa inorganisa ng Propesyonal na Asosasyon ng mga Tagapagtaguyod ng Salin (PATAS) at Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF). Naging fellow din siya para sa maikling kuwento sa ika-16 na Palihang Rogelio Sicat at napiling fellow para sa Virgin Labfest 19 Writing Fellowship Program. Nitong Agosto, itinanghal ng UP Dulaang Laboratoryo ang kaniyang dulang βSalamin, Salaminβ. Nakamit din niya ang Ikatlong Gantimpala sa kategoryang Batsilyer ng Gawad Monico Atienza para sa Kritikal at Malikhain na Sanaysay 2023. Ngayong taon, kabilang siya sa mga iskolar-artista na ginawaran ng UP Diliman Visual Arts and Cultural Studies Scholarship Program. Bilang adbokasiya, nagsasalin siya ng mga tula ng mga makatang Palestino.
Ang magiging tagapagpadaloy naman ay si Nicholas B. Pichay:
NICOLAS B. PICHAY is a teacher of playwriting. His research interests include playwriting, public policy, legislative studies, law, and law and literature. He is a poet, playwright, stage and film director, translator, lawyer, and a civil servant. His literary works have been published as books or performed in the Philippines and elsewhere. He is a Gawad Balagtas Awardee and has been inducted to the Carlos Palanca Hall of Fame. He has also written a book on Intellectual Property Rights. He is a regular lecturer on the laws that govern heritage and cultural preservation; topics regarding the legislative process; and the interdisciplinary approach of law and literature. He was a recipient of an Asian Cultural Council Grant to observe expatriate theatre in New York. Subsequently he was awarded a Hubert H. Humphrey Fellowship for public policy at the Maxwell School of Citizenship and Public Policy in Syracuse University.
Dumalo at magpadalo! Ang proyektong ito ay libre at bukΓ‘s sa publiko.
Magkita-kita sa ika-21 ng Nobyembre, 2024 | 9:00 AM - 12:30 PM | Pavilion 1 1131, Palma Hall, UP Diliman.