14/08/2021
Pangimbitar gud 'mo. hahahaha
Nadakip ng awtoridad ang pitong kabataan na nag-iinuman sa looban ng 7B sa Ilaya Street, Alabang, Muntinlupa dahil sa kasong paglabag sa curfew hours at liquor ban sa gitna ng enhanced community quarantine.
Nadakip sila matapos magtext umano ang kanilang kaibigan na hindi nakasama sa inuman sa hotline number ng barangay.
Dahil dito, nagbabala ang lokal na awtoridad sa mga kabataan na maaaring mawala ang kanilang scholarship mula sa pamahalaang lungsod ng Muntinlupa kung sila ay mahuhuli na lumabag sa ordinansang nagpapatupad ng curfew hours at liquor ban.
Source: Bagong Alabang
π· Bagong Alabang