04/08/2026
BASAHIN PO MABUTI βΌοΈβΌοΈπ
π OPISYAL NA PAHAYAG
Ipinapaalam ng Lokal na Pamahalaan ng Talacogon sa publiko ang paglilinaw kaugnay ng mga kumakalat na impormasyon tungkol sa pagbisita sa himlayan ni Bobet.
Nais naming linawin na HINDI ipinagbabawal ang pagbisita sa himlayan ni Bobet, gayundin ang pagdadala ng mga bulaklak bilang pagpapakita ng pakikiramay, paggalang, at pagbibigay-pugay.
Ang mga tent na kasalukuyang nakalagay sa kanyang himlayan at sa paligid ng estatuwa ay mananatili muna hanggang hindi pa sinisimulan ang pagpapagawa ng mausoleum. Ang mga sobrang kagamitan lamang ang aalisin upang maipagpatuloy ng LGU ang maayos, ligtas, at organisadong pagsasaayos o development ng lugar.
Patuloy pa rin ang pagmomonitor at roving ng mga nakatalagang personnel at tanod. Ang mga ipinatutupad na regulasyon ng LGU ay para lamang matiyak ang kaayusan, kalinisan, seguridad, at kapayapaan sa loob at paligid ng sementeryo, habang pinangangalagaan ang dignidad ng lugar at ang privacy ng pamilya.
Ang paalalang ito ay inihahatid at sinusuportahan ng LGU bilang paggalang sa KAHILINGAN NG PAMILYA NI BOBET na mapanatili ang maayos, tahimik, at organisadong kalagayan ng kanyang himlayan.
Kaugnay nito, ipinapaalala rin ang mga sumusunod:
β’ Mahigpit na ipinagbabawal ang anumang vlogging na may kinalaman sa fundraising o pangangalap ng pundo.
β’ Mahigpit na ipinagbabawal ang Facebook Live at anumang live streaming sa loob at paligid ng sementeryo.
Ang Lokal na Pamahalaan ng Talacogon, sa pangunguna ni Mayor Pauline Marie R. Masendo, RN, ay patuloy na gumagalang at sumusuporta sa kagustuhan ng pamilya ni Bobet, habang tinitiyak ang maayos na pamamahala at kaayusan sa lugar.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa, pag-unawa, at paggalang.
Kung may kailangang linawin sa mga paalalang ito maaaring makipag-ugnayan sa Lokal na Pamahalaan upang mabigyan namin kayo ng tamang impormasyon at pagpapaliwanag hinggil dito.