13/07/2026
Sa dami ng online sellers ngayon, normal lang na tumindi ang kompetisyon. Isa sa mga madalas na strategy ay ang pagpapababa ng presyo. Wala namang masama roonโdiskarte nila โyan. Pero naitanong mo na ba sa sarili mo, kumusta ang profit mo?
Malaki nga ang sales, pero kapag ibinawas mo na ang puhunan, shipping, pamasahe o gas, packaging, at iba pang gastos, may natitira pa ba? Sulit pa ba ang pagod at oras mo, o parang โthank youโ na lang ang kapalit?
Huwag nating kalimutan kung bakit tayo nagsimula ng negosyoโpara kumita, hindi lang para magkaroon ng maraming orders o matawag na sikat na seller.
Kaya para sa akin, hindi ko ikokompromiso ang profit ko para lang makisabay sa sobrang bagsak-presyo. Naniniwala akong may mga customer na marunong mag-value ng quality, maayos na serbisyo, at tamang presyo.
Sa mga kapwa kong online sellers na minsan pinanghihinaan ng loob dahil sa matinding kompetisyon, laban lang. Post lang nang post, improve lang nang improve, at huwag mawalan ng tiwala sa produkto mo.
โจ Tandaan: Hindi mo kailangang maging pinakamura para maging matagumpay. May mga customer na nakalaan para saโyo. ๐ค