03/01/2026
Hiring po kami ng Saleslady & Salesman
HIRING FAQs:
1. Paano po mag apply? Dalahin nyo lang po ang BioData sa MAC'S TRADING meron din po kami available na form tig 2pesos lang po.
2. Anong edad po ang tinatanggap? 18 years old pataas po at tinitingnan din po ang kalusugan kung walang sakit tulad ng asthma, sakit sa buto at sakit sa puso.
3. Ano po ang qualifications? Masipag, Maasahan, Maykusa, Malinis, Marunong Magsulat, Magbasa, Magtotal ng order gamit ang calculator at higit sa lahat ay Mapagkakatiwalaan.
4. Magkano po ang sweldo? Magkakaiba po ang offer namin depende po sa inyong working experiences. Bukod po sa sweldo ay may kaukulang Bonus po or 13th month pay po kaming ibinibigay ayon sa ating batas. May incentives din po depende po sa inyong performance. May employees discount din tayo sa mga bilihin at kapag regular na po ang empleyado ay may mga special arrangements na po na ibinibigay.
5. Anong Oras po ang duty? 7am to 6pm at may Overtime pay plus food allowance na ibinibigay kapag kailangang lumampas sa oras dahil sa operation ng tindahan.
6. Paano po makukuha ang sweldo? Ang sweldo po ay ibinibigay kada Linggo. Kasama na po dyan ang overtime pay at iba pang incentives.
Kung may mga ibang katanungan po kayo ay marapatin lamang po na magtungo sa MAC'S TRADING upang personal na makuha ang mga kasagutan.
Salamat po