10/07/2020
Hello po! This is Pia Erlot Perocho the owner of this online bookstore po. I sincerely apologize to all my mistakes, unintentional lies and negligence. Gasgas na 'yong "tao lang ako, nagkakamali rin", di na kase pagkakamali iyong mga kasalanang paulit-ulit na lang.
First of all, sorry kase ang tagal ko magpa-ship, may mga orders na half a year or months ng nasa akin pero di ko pa rin po naipapa-ship, I admit, that was my mistake. Sobrang pasensiya na po talaga if I promised shipping dates that weren't fulfilled.
Second, sa mga may pendings, sobrang pasensiya na rin po. Hindi ko maasikaso, tambak ako ng obligasyon (bahay, school at itong business). Alam ko po, walang pumilit sa'ken magbenta, obligasyon ko to kaya dapat panindigan ko. Aminado ako, nagkulang ako.
Third, alam niyo bang nas-short ako parati sa pera? Bakit? Kase po may mga payment na mali-mali spell ng pangalan ko, last week pa nagbayad pero this week lang sinend iyong receipt. Hindi ko po nakukuha lahat ng pera kase naguguluhan ako, kaya po sana kapag magbabayad next time, pakisigurado iyong mga details na binibigay ko. Kung tama ba spell ng pangalan ko and so on. Pwede kasing tama naman sinulat niyo pero mali nai-encode noong cashier. Paki-check po parati, parehas tayong mahihirapan. Saka po sana pagkabayad, send agad ng resibo, right away, kapag kase pinagpa-"mamaya" niyo pa 'yan, malaki ang chance ba makalimutan niyong i-send, again, pareho tayong mahihirapan.
Fourth, tungkol sa books. CLS 3&4 pa lang ang hawak ko. Naubos na 'yong stock na meron ako last time. Bali iyong CLS 3&4 pa nga na mayroon ako e kulang pa. Pm niyo ako kung mag-iintay ba kayo or ire-refund ko na lang pera niyo. Ang tagal niyo pong nag-iintay, aware ako d'yan, tapos ganito lang mangyayari. Pampalubag-loob, atleast may improvement kaysa wala. Atleast na-setlle kaysa hindi. Kung mag-iintay kayo, wala akong kasiguraduhan kung kailan magkakastock. Kung magpapa-refund, pm niyo ko right away.
Sixth, iyong mga may orders na merch, next week ko na ipapa-ship, pinapagawa ko pa po sa supplier. Same thing kapag books+merchs ang order, next week na maipapaship. Bo tentative date dahil ipapa-ship pa rin sa akin 'yan ng supplier. Usually 3-5 days bago dumating ang item. Kapag dumating sa akin, ibabalot ko agad tapos kinabukasan papa-ship ko na.
Seventh, wala na akong self-published books as of now. MPress Books po meron pa pero magrereprice ako.
Lastly, Maraming salamat po sa tiwala, pasensiya at pang-unawang binigay niyo sa akin. I am inconsistent, tanggap ko, dahil totoo. Sa una lang ako magaling at magaling lang ako makipag-usap. Sobrang pasensiya na, I know malaki ang pagkukulang ko. Hindi ko man ginusto ang mga dahilan pero yon pa rin ang pinili ko, 'yon ang naging desisyon ko. Pasensiya na po ulit at salamat. Wag po kayong mag-alala dahil never ko kayong tatakasan.