23/08/2026
Naidaos natin ang buwan ng Agosto!
Maraming salamat po sa tanggapan ng NHCP - Museo ni Jose Rizal, Calamba na pinangunahan ni Sir Adrian, sa pagsama sa amin upang muling malibot at higit na makilala ang mga kwento at kasaysayan ng buhay ng ating bayani na si Jose Rizal.
Maraming salamat din sa aming tour guide na si Ms. Niah sa kanyang detalyadong pagbabahagi ng kasaysayan at sa pagsama sa amin sa buong museo hanggang sa gallery.
Lubos din kaming nagpapasalamat sa Kalan+Banga den kay Sir Den sa pagtanggap sa paanyaya ng Booklat at sa pagsuporta sa aming adbokasiya. Siya ang ating walking history ng Calamba, tumutulong sa ating mga Calambeño na makita, maalala, at higit na maunawaan ang nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap ng ating lungsod sa pamamagitan ng mga litrato. Kaya suportahan din natin siya!
Maraming salamat din sa aming Booklat Book Club members na dumalo sa ating reading session at nakibahagi sa ating pagtalakay tungkol sa Philippine Mythology, mula sa Alamat Book Series ni Herbie De Leon, partikular ang Lam-ang.
Salamat din sa Akdang Pinoy x The Filipino Shelf sa pangunguna sa Bayanihan sa Pagbasa ngayong taon.
Bagamat wala pa tayong City Library sa ating lungsod ng Calamba, para sa mga researchers at readers na naghahanap ng mga reading materials tungkol sa Filipiniana Literature at Rizaliana, maaari kayong magtungo sa Research Center ng Museo ni Jose Rizal, Calamba.
Patuloy tayong magbasa, magbalik-tanaw, at magtipon ng mga kuwento, dahil ang pag-alala sa ating kasaysayan ay bahagi rin ng pag-unawa sa kung sino tayo bilang isang komunidad.
Maraming salamat sa lahat ng nakibahagi sa ating reading session! See you on September 6!